Gabbi Garcia shrugs off 'starlet' tag by bashers: "At least may time silang pag-usapan kami."

Hindi na lang daw pinapansin ng Kapuso star na si Gabbi Garcia ang pamba-bash sa kanila simula nang ianunsiyo ng GMA Network ang bagong cast members ng Encantadia requel. Pahayag niya, "Pag may nakita akong negative comment, kapag alam kong hindi tama at below the belt, ignore."


Hindi lingid sa kaalaman ni Gabbi Garcia ang pamba-bash ng ilang netizens sa mga napiling bagong cast ng requel ng Kapuso telefantasya na Encantadia.

Isa si Gabbi sa mga napili ng GMA Network na gumanap na sang'gre; kasama sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, at Sanya Lopez.

Hindi raw apektado ang 17-year-old Kapuso actress sa mga negatibong komento tungkol sa kanila.

Saad ni Gabbi, “Ako naman… well, ako, it’s my hobby and my habit to read tweets talaga.

“So, parang innate na sa akin na magbabasa akong tweets, sini-search ko kung anong mga nangyari, yung hashtag, ganyan.

“Hindi naman ako… siguro pag may nakita akong negative comment, kapag alam kong hindi tama at below the belt, ignore.

“Pagka alam kong may point siya [netizen] and yung criticism niya ay makakatulong, e, di accept and do it.

“Parang learn from it. Take it as a challenge.

“Parang, sa tingin ko naman, once na mag-air na yung Encantadia, mamamangha sila.

“Kasi malaki po yung plano ng GMA for Encantadia.”

Marahil, ilan sa mga masasakit na salitang naibato sa kanilang bagong cast ng Encantadia ay ang pagiging ‘the who’ at ‘starlets.’

Sabi ni Gabbi, hindi siya nasasaktan dahil nagsisimula pa lang naman talaga siya sa showbiz industry.

“Kasi totoo naman po talaga na wala pa naman po akong nararating sa showbiz.

“So, I humbly accept kung anuman yung sinasabi nila.

“Kasi, it’s really kailangan na may mapapatunayan pa ako.

“So, kung ano man yang mga ‘the who,’ wait lang, just wait.”

Natatawa pa niyang dagdag, “At least, may time silang pag-usapan kami!”

Masasabing may avid fans pa rin ang dating Encantadia na hindi maka-move on sa 'requel' na nakatakdang iere sa Hulyo.

Saad ni Gabbi, “The comparison is normal for us being compared to the old ones.

“Pero again, we are not replacing them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We're just gonna give a new version and fresher version this year para sa bago at young audiences.

“And we didn’t audition for the artista, we auditioned for the role.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media si Gabbi sa pocket presscon ng Naku, Boss Ko!, ngayong Huwebes, April 14.

Ang Naku, Boss Ko! ay ang upcoming political rom-com na pagbibidahan ni Gabbi ang ng ka-love team nitong si Ruru Madrid, na ipalalabas simula sa April 25 sa GMA Telebabad.

Layunin nitong maging gabay ang mga botante sa May 9 elections.

THANKFUL TO KARYLLE. Sa bagong Encantadia, si Gabbi ang gaganap na Sang'gre Alena na dating ginampanan ni Karylle.

Nitong nakaraang linggo, pormal nang ipinasa ng It’s Showtime host ang kanyang pagiging Sang’gre Alena sa Kapuso actress.

Read: Karylle gives important reminder to Encantadia 2016 star Gabbi Garcia

Labis ang naramdamang tuwa ni Gabbi sa magandang mensahe para sa kanya ni Karylle.

“Opo, nakakatuwa, kasi kahit siya man yung pinaka-late, but she has the sweetest message.

“I mean, hindi niya ako kinongratulate in a formal way, ano siya... in a casual way but sweet.

“Parang, ‘So, this one is for you, Gabbi girl.’

“And then last night lang, mga 1 A.M., gising pa ako, nagtu-tweet ako, nagulat ako she followed me.

“Wala lang, nakakakilig lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN