Ruru Madrid laughs off 'starlet' tag: "At least ngayon kilala na nila kami."

Tinatawanan na lang ni Ruru Madrid ang mga nababasa niyang paninira sa social media sa kanilang mga bagong cast ng Encantadia requel. Gagawin na lang daw niya itong inspirasyon upang lalong mapabuti ang kanyang pagganap sa fantaserye.


Hindi rin nakaligtas ang Kapuso young actor na si Ruru Madrid sa bashers mula nang ianunisyo ng GMA Network ang bagong cast members ng Encantadia 2016.

Si Ruru ang gaganap sa role nq Ybarro, na unang ginampanan ni Dingdong Dantes.

Pahayag ng 18-year-old actor, “Well, after kasi i-announce yung cast ng Encantadia, grabe, kinagabihan, nagulat ako, trending, iba ‘to!

“So, binasa ko. Grabe, sobrang daming pamba-bash!

“Pero siyempre, may iba talaga na hindi natin mapipigilan na, siyempre tao rin naman tayo, masakit yung mga salita na ‘yan.

“Pero para sa akin, tinanggap ko na lang siya na para siya na lang magbu-boost sa sarili ko para mapatunayan ko sa kanila na deserve ko naman yung role na yun.”

Imbes daw na magalit o sumagot, gagawin na lang daw itong inspirasyon ni Ruru para lalong mapabuti ang kanyang pagganap bilang Ybarro.

“Siguro yung mga bashers, sila na lang yung pagkukunan namin ng lakas para lalo naming patunayan sa kanila na deserve namin yung role na yun.

“Kumbaga, sila na yung magiging inspiration namin.”

Natawa naman ito tungkol sa mga nagsasabing ‘starlets’ at ‘the who’ ang cast ng Encantadia requel.

Nakangiting sabi ni Ruru, “At least ngayon kilala na nila kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Ruru sa pocket presscon ng Naku, Boss Ko!, ngayong Huwebes, April 14.

Ang Naku, Boss Ko! ay ang upcoming political rom-com ng GMA Network na ipapalabas simula sa April 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN