Matteo Guidicelli shrugs off rumored secret engagement to Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli on settling down with girlfriend Sarah Geronimo: "Hindi natin alam, e. Kung mangyayari, mangyayari. We don't know yet."


Hindi raw hahayaan ni Matteo Guidicelli na makaapekto sa kanilang relasyon ng girlfriend na si Sarah Geronimo ang naglalabasang balita tungkol sa diumano’y secretly engaged na sila, gayundin ang tsismis sa pagbubuntis ni Sarah.

Kahit daw kasi pareho na nilang pinabulaanan ni Sarah ang tungkol dito sa mga nauna nilang interviews ay hindi pa rin sila tinitigilan ng mga malisyosong tsismis.

Ayaw na lang daw nilang patulan ang mga ito.

Saad ni Matteo, “I won’t say anything because our relationship is full of good vibes and, you know, we just want to keep it positive and keep a healthy lovelife.

“You know, tsismis is just tsismis, it’s always gonna be there.

“Basta we know that what we’re doing is right and everything’s okay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News si Matteo sa launching niya bilang bagong celebrity endorser ng Saucony running shoes, na ginanap noong April 13, Miyerkules, sa Exploreum sa SM Mall of Asia, Pasay City.

Proud si Matteo dahil nakasama niya sa event ang iba pang champion triathletes bilang new faces of Saucony 2016, na pinu-promote ang Everun continuous cushioning technology ng naturang global brand.

Bukod sa pagiging artista, aktibong triathlete din si Matteo at sumasali sa mga race at competitions.

FUTURE WEDDING. Nabanggit na rin ni Matteo sa mga naunang interviews na gusto niyang si Sarah na ang babaeng kanyang pakakasalan in the future.

Pero muli nga niyang ipinagdiinan na ayaw nilang madaliin ito at hahayaan na lang daw nilang mangyari ito.

“Hindi natin alam, e. Kung mangyayari, mangyayari. We don’t know yet.”

Saan niya gustong magpakasal kung sakali, sa Italy o sa Pilipinas?

“Saan? Hindi ko pa alam. Iisipin ko muna iyan!” sabay tawa nang malakas ni Matteo.

Ang usaping kasalan daw ay hindi pa nila sineseryoso ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho raw silang abala sa kanya-kanyang trabaho at commitments nila.

Masaya lang daw sila ni Sarah na mas open na sa maraming tao ang kanilang relasyon.

Nagagawa rin nilang magsama ng kahit silang dalawa lang.

Mahalaga ring okay sa kanilang mga pamilya ang kanilang relasyon.

Naging memorable nga raw ang kanyang nakaraang kaarawan sa Cebu dahil sa pagdating ni Sarah.

Naka-bonding din daw ng kanyang gilfriend ang pamilya niya.

Ani Matteo, “She just came and celebrated my birthday with me, so I’m just thankful.

“Finally, we’re all together, my family and her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN