Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach finally admits exclusively-dating status with Dr. Mike Varshavski

Umamin na sa wakas si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na exclusively dating sila ni Dr. Mike Varshavski. Patuloy raw silang nag-a-adjust sa kani-kanilang kultura at pinag-aralan daw ni Dr. Mike ang manligaw na parang istilo sa Pilipinas. Sinabihan na rin daw ni Pia ang manliligaw na prayoridad niya sa ngayon ang pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe, at naiintindihan naman daw ito ni Dr. Mike.


Sa wakas, tuluyan nang inamin ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach na exclusively dating na nga sila ni Mikhail Varshavski o Dr. Mike, ang tinaguriang “sexiest doctor alive” ng People magazine.

Kahit marami na siyang na-post noon sa Twitter at Instagram na mga larawan nila ni Dr. Mike, nireserba raw talaga ni Pia ang pag-amin sa tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda.

Sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN kagabi, April 14, sinabi ni Pia: “I’m dating.”

Dagdag pa niya, “Tito Boy, I dodged this question for a lot of interviews for you.”

Unang lumabas ang sweet photos nina Pia at Dr. Mike noong February 28.

Read: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach goes out on a gym date with the 'sexiest doctor alive'

Ayon sa reigning Miss Universe, “Mike” lang ang tawag niya sa manliligaw.

Kasalukuyang nasa bansa si Pia para sa Binibining Pilipinas 2016 coronation night na gaganapin sa Linggo, April 17.

ADJUSTING. Kinumusta ng TV host kay Pia si Dr. Mike.

Saad ng beauty queen, “He’s adjusting to the Filipino ways a lot because it’s very different, the culture is very different.

“I had to explain to him how it is here in the Philippines, kung paano ba manligaw, at kung alam niya ba kung ano ang ibig sabihin ng panliligaw.”

Ginagawa ba nito?

Tugon ni Pia, “Ginagawa naman niya. And he’s a true gentleman.”

Bagamat pareho silang abala sa kani-kanilang mga trabaho, gusto raw ng Russian-born, New York-based doctor na bumisita sa Pilipinas.

Pinag-aaralan daw ng manliligaw ni Pia ang kultura ng mga Pilipino, lalo na ang mga Pinay.

Sa kabilang banda, naninibago rin daw si Pia kay Dr. Mike dahil iba rin ang kultura nito.

So far, ayon kay Pia, maayos naman daw ang lahat sa pagitan nila kahit pareho silang nag-a-adjust sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAST TALK. Sa "Fast Talk" segment, ipinaliwanag ni Pia na nakatanggap din siya ng pamba-bash dahil sa paglabas-labas nila ni Dr. Mike.

Iba-iba rin daw ang naging reaction nang lumabas ang mga balitang nagdi-date sila.

Saad ni Pia, “Kasi nung lumabas yung mga balita, ‘Ay, naku, mawawalan na siya ng focus sa trabaho niya.’ ‘Baka ma-dethrone, bawal ang mag-boyfriend.’ ‘Baka mabuntis...’

“Ang dami kong narinig na mga ganyan.

“I assure you, guys, masakit sa kanya, pero sinabi ko talaga sa kanya na, ‘Ito yung number one priority ko, sorry.’

“He understands.”

Dito rin ay inamin ni Pia na hindi siya selosa at clingy.

Sinabi rin niyang hindi siya masyadong malambing taliwas sa ugali ng maraming Pilipino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN