Why Diana Zubiri kept her first child from the public eye

Lingid sa kaalaman ng marami, may six-year-old son na ang aktres na si Diana Zubiri mula sa kanyang unang asawa, na yumao noong 2010. Ngayon ay buntis ulit si Diana sa panganay naman nilang anak ng kanyang second husband na si Andy Smith.


Six months pregnant na si Diana Zubiri sa panganay nila ng kanyang mister na si Andy Smith.

Baby girl ang ipinagbubuntis ni Diana, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw, April 15.

Ito ang ikalawang anak ng aktres.

Lalaki ang panganay na anak ni Diana at ng kanyang pumanaw na asawa na si Alex Lopez, na sumakabilang-buhay noong September 3, 2010.

Contrary to rumors, kasal sina Alex at Diana.

Wala ring katotohanang itinago ng aktres ang kalagayan nito dahil nag-taping siya para sa Kapuso gag show na Bubble Gang noong 2009 hanggang sa ika-anim na buwan ng pagbubuntis niya.

Walang ina na ikinahiya ang sariling anak, pero may lip and cleft palate o bingot ang panganay ni Diana nang isilang ito noong June 2009.

Kaya pinili ng aktres na protektahan at huwag munang ipakita sa publiko ang bata hanggang hindi sumasailalim sa operasyon.

Normal na ang hitsura ngayon ng anak ni Diana dahil successful ang dalawang operasyon.

Ang third operation ang pinaghahandaan ngayon ng aktres para maging maayos ang pagtubo ng mga ngipin at physical appearance ng kanyang 6-year-old son.

Grade 1 student ang bata sa Ateneo de Manila University at first honor siya sa klase.

Proud mother si Diana dahil sa achievements ng kanyang anak na dumaan sa mga pagsubok nang isilang.

The other day, nasa EDSA ang mag-ina nang makita ng anak ni Diana ang Beyond Beauty campaign billboard ng Belo Medical Clinic.

Ang before-and-after picture ng mga sanggol na may lip and cleft palate na sumailalim sa operasyon at naging normal ang physical appearance, sa tulong ng Belo Medical Clinic, ang makikita sa bagong campaign at mga billboard  ng popular beauty clinic ni Dra. Vicki Belo.

Nang makita raw ng anak ni Diana ang Belo Beyond Beauty billboard, nagtanong siya sa kanyang ina ng: “Mommy, bakit sila may ganoon [bingot]?”

Sagot daw ni Diana sa anak: “Okey lang ‘yan, ganyan ka rin noon. I will explain it to you paglaki mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN