Sister of Buboy Villar's alleged girlfriend reacts to viral photos

"[Our mom] didn't like how Buboy Villar talks on social media about having a relationship already," says Veybillyn Serrano Gorens about the young actor's viral photo with her younger sister Angillyn Serrano Gorens.


Naging viral sa social media ang mga larawan ni Buboy Villar kasama ang sinasabing girlfriend nito, na kinikilalang si Angillyn Serrano Gorens.

Pero tila hindi ito nagustuhan ng pamilya ng babaeng kasama ni Buboy sa mga larawan.

Sa isang Facebook post, ipinaalam ng nakatatandang kapatid ni Angillyn, si Veybillyn Serrano Gorens, na hindi alam ng kanilang magulang ang tungkol sa diumano'y relasyon ng kanyang kapatid kay Buboy.

Sabi ni Veybillyn, “Our parents is not aware of what is going on between Buboy Villar and my sister.

“My mom who is in America for several months now was so upset when all her friends started calling her about the trending pictures of Buboy Villar and my sister at our house.”

Dagdag niya, pinayagan naman daw si Buboy ng kanyang ina na bisitahin at kilalanin muna ang kanyang kapatid.

Subalit sinabihan daw ang binatang aktor na wala munang seryosong relasyon dahil minor pa si Angillyn.

“They both agreed that he is going to come visit and start courting my sister like a Filipino, unfortunately she didn't expect that this will be posted and be trended on social media.”

Sabi pa ng kapatid ni Angillyn, “[Our mom] didn't like how Buboy Villar talks on social media about having a relationship already.”

Nagpahayag din siya ng pagkadismaya sa GMA News dahil, “They didn't verify to the family first before posting that Buboy Villar and my sister is in a relationship.”

Inilathala rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naturang viral photos ni Buboy kasama si Angillyn.

Dito ay inilagay namin ang mga paglalarawan ng dalaga kay Buboy bilang “My partner in crime” at “My love” sa kanyang Instagram posts.

My Love ???????????

A photo posted by Angillyn Serrano Gorens (@_angiloove) on

My partner in crime ??????? @buboyvillar ??

A photo posted by Angillyn Serrano Gorens (@_angiloove) on

Narito ang kabuuang Facebook post ni Veybillyn:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN