Billy Crawford gets blessing of Coleen Garcia's father to marry her

Billy Crawford on other men who admire girlfriend Coleen Garcia's sexy body: "Of course, I am proud, pero akin lang siya. Sexy siya, oo, agree ako sa lahat, pero akin lang siya."


Kinumpirma ni Billy Crawford na may pag-uusap nang naganap sa pagitan nila ng ama ng kanyang girlfriend na si Coleen Garcia tungkol sa pagbibigay ng basbas nito sakaling magdesisyon na silang magpakasal.

Pahayag ni Billy, “Si Tito kasi, parang barkada na, e. Classmate niya yung kapatid ko.

“Wala, we just really click. Sobrang nag-effort din ako na makilala ang buong pamilya niya.

“Hindi naman sa inutusan ako, hinihintay lang siguro nila.

“Alam ng daddy niya na siguro dun talaga kami papunta. In due time.”

Ngunit ayaw magbigay ng detalye ng Kapamilya TV host-singer kung ano ang pinag-usapan nila.

“Lagi kaming nag-uusap ni Tito, pero sa amin na lang yung pag-uusap namin.

“Protektahan ko lang, alagaan ko lang na mabuti.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Coleen sa pagbibigay ng basbas ng ama nito na puwede na silang magpakasal?

Ayon kay Billy, “Ayun, natawa, natawa siya.

“I’m really close to her family, mother and father side.

“We got to spend time with them naman. Most weekends.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Billy sa studio ng It’s Showtime noong Martes, April 12.

GIVING HER TIME. Consistent pa rin si Billy sa pagsasabing anumang oras ay handa na siyang pakasalan si Coleen.

Saad ng 33-year-old entertainer, “Well, for me, I would love to get married as soon as now, kung gugustuhin ko lang.

“But she’s only 23, turning 24 this September.

“She has a lot of goals pa that she wants to achieve, so I’ll give her the time.”

Parehong maganda ang itinatakbo ng career nina Billy at Coleen.

Sabi nga ng It’s Showtime host, “I’m very proud of her, sobrang proud ako sa kanya.

“Not a single day na hindi siya nagtatrabaho.

“Kagagaling lang niya ng Batangas kagabi, this morning siya umuwi.

“Non-stop siya sa pelikula, halos lahat yata ng covers ng magazine, siya ang laman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m super proud of her, sobrang proud!”

Ngayong Abril nga ay naging cover ng isang fashion magazine si Coleen kung saan “barely there nude swimwear” ang naging suot nito.

Nagpaalam ba kay Billy si Coleen tungkol dito?

Ayon sa TV host-actor, “It’s none of my business naman for me to say no or puwede mong gawin ito.

“It’s up to her naman, she decides on her own.

“Hindi naman yung bastusin na sexy, everybody is sexy on her own way.

“Hindi mo naman kailangan magpakita ng skin or anything, she’s just sexy.”

Ano naman ang nararamdaman niyang marami ang nagpapantasya at naseseksihan kay Coleen?

Tugon ni Billy, “Of course, I am proud, pero akin lang siya.

“Sexy siya, oo, agree ako sa lahat, pero akin lang siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN