Did Rochelle Pangilinan slap Bianca Umali too hard on Wish I May?

May ilang fans ang nag-react sa intense scene sa pagitan nina Rochelle Pangilinan at Bianca Umali sa kanilang afternoon soap na Wish I May, kung saan sinampal at sinabunutan ni Rochelle si Bianca. May ilang fans si Bianca na nag-react dito at sinagot naman ito ni Rochelle.


Iba't ibang komento ang natanggap ni Rochelle Pangilinan tungkol sa confrontation scene nila ni Bianca Umali sa episode ng GMA afternoon soap na Wish I May kahapon, April 14.

Sa episode na pinamagatang "Hurting Cacai," sinampal at sinabunutan ni Rochelle si Bianca dahil nalaman ng kanyang karakter ang tungkol sa relasyon ng asawa niyang si Tristan (Mark Anthony Fernandez) kay Olivia (Camille Prats).

Sa kanyang Twitter account, ni-retweet ni Rochelle ang isa sa mga positibong reaksiyon na nakuha niya sa nakapanood ng naturang episode.

Pero tila hindi naman napigilan ni Rochelle na sagutin ang mensahe sa kanya ng fan nina Bianca at Miguel Tanfelix, na apektado sa ginawang pananakit ng dancer-actress sa young actress para sa teleserye.

“Lakas niyo po sumampal @I_am_ROC08 ,ang sakit sakit para samin yung mga Biancaddicted at Team BiGuel,” sabi ng fan.

Sinagot naman ito ni Rochelle sa pamamagitan ng pagpuri sa kanyang kasamahan at bida sa teleseryeng Wish I May.

 

Ano ang masasabi ninyo sa eksenang ito, PEPsters?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN