Enchong Dee on breakup with Samantha Lewis: "It's very timely na rin."

Enchong Dee on staying friends with ex-girlfriend Samantha Lewis: "Inayos ko in such a way na hindi kami magkaaway. We're very good friends. Di ba kasi, pag minahal mo ang isang tao, hindi mo naman puwedeng sabihin na hindi ko na siya mahal ngayon. The friendship should be there, it should remain."


Nananatili pa rin daw ang komunikasyon sa pagitan ni Enchong Dee at ng kanyang ex-girlfriend na si Samantha Lewis.

Sabi ng Kapamilya actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay kami, actually magka-text kami nung isang araw.

“Pero inayos ko in such a way na hindi kami magkaaway. We’re very good friends.

“Di ba kasi, pag minahal mo ang isang tao, hindi mo naman puwedeng sabihin na hindi ko na siya mahal ngayon.

“The friendship should be there, it should remain.”

Pero totoo bang siya ang nag-initiate ng breakup nila?

Sagot ni Enchong, “As much as I don’t want to go into details, pero I think it’s very timely na rin.

“Yun na lang siguro ang masasabi ko.”

Kakulangan ba ng oras ang isa sa rason ng paghihiwalay nila ni Samantha.

“Time? It’s one, but there’s more behind,” sagot niya.

PRIVATE CITIZEN. Kapansin-pansin ang pagiging sobrang tahimik noon ni Samantha kapag isinasama ni Enchong sa ilang showbiz gatherings, tulad ng Star Magic Ball.

Hindi kaya dahil hindi kasi makasanayan ni Samantha ang magulong sistema ng showbiz kaya hindi sila nagkasundong dalawa?

Ayon kay Enchong, “Hindi sanay? Hindi naman sa ganun.

“I think she’s very careful with her private [life], and I think everyone does.

“Kahit naman ako, hindi naman niyo ako makikita na, ‘O, ito what I am doing right now. This is where I gonna go.’

“Kumbaga, kung ano lang ang kaya mong i-share, I’m willing to share naman.

“Kasi kahit ano namang bagay ang sabihin mo, kung ano ang gustong paniwalaan, yun pa rin ang paniniwalaan nila.

“I’ll just keep it private.”

Handa na bang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon si Enchong?

Tugon niya, “Siguro magpo-focus muna ako sa trabaho.

“Kasi siyempre, nung time na naging kami, kahit papaano nakalimutan ko rin yung pagka-busy, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon, babalik muna ako sa pagiging busy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN