Mark Herras's mother dies due to cardiac arrest; Winwyn Marquez comforts Mark

Winwyn Marquez posts words of comfort for rumored boyfriend Mark Herras after the actor's mom passed away due to cardiac arrest.


Nag-post ng pakikiramay si Winwyn Marquez para sa napapabalitang boyfriend nitong si Mark Herras, matapos pumanaw ang ina ng Kapuso actor na si Jasmin Santos nitong Martes, April 12, dahil sa cardiac arrest.

Nakaburol ang mga labi ng ina ni Mark sa kanilang tahanan sa Laguna, at ililibing ito sa Forest Lake Memorial Park sa Miyerkules, April 20.

Sabi ni Winwyn sa kanyang Instagram post: “You've been through a lot and napakatatag mo na tao, @angelo_herras.

“I know your mom will watch over you from a much better place. She is now with our Creator and wala na siyang pain na mararansan. Pure happiness nalang.”

Sa kanyang caption, may mensahe rin ang aktres sa yumaong ina ng aktor.

“Tita, I promise to cherish every moment with your son and yung sinabi niyo po sa akin lagi ko po ilalagay sa utak at puso ko yun.”

Pagtatapos na mensahe ni Winwyn kay Mark, “Angelo, you know that I'll always be here for you. Magkatabi lang lagi, di ba?”

Sumagot naman sa comments section si Mark at nagpasalamat kay Winwyn:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN