Andi Eigenmann posts cryptic message on Twitter

Lalo raw pinagbubuti ni Andi Eigenmann ang kanyang buhay ngayon. Hindi na raw niya pinapansin ang mga taong walang magawa kundi mangialam sa buhay ng iba.


Mukhang hindi pa rin tinatantanan ng bashers si Andi Eigenmann.

Ngayong Biyernes, April 15, muling nag-post ng mensahe si Andi patungkol sa mga taong tila sinasayang lang daw ang kanilang oras sa pag-aantabay sa masaya nilang buhay.

Una munang sinabi ni Andi na pinagtutuunan niya na lang ng pansin ngayon kung paano mapabuti pa lalo ang kanyang pagkatao.

“I am not gonna spend my days counting the number of people who think I'm the best, but the amount of time I spend making sure I do my best.”

Kasunod nito, pinaringgan ng aktres ang mga taong pakiramdam niya ay nag-aaksaya ng panahon sa pangingialam sa buhay ng iba.

“How I pity these ppl who waste the life they were blessed to have, to worrying about our lives and what we do w it, more than their own that they forget, and fall behind while we live our lives so happily and so freely.”

Puntirya si Andi ng social media trolls mula noon pa.

Nitong nakaraan lamang, pinili ni Andi na limitahan ang pag-post ng mga larawan ng kanyang anak na si Ellie dahil sa bashers at trolls.

Read: Andi Eigenmann limits posts about her daughter because of 'judgmental people'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN