Sanya Lopez regrets Kuya Germs did not see her play Danaya in Encantadia

Sanya Lopez was discovered by the late German Moreno, who cast her in the defunct variety program Walang Tulugan With The Master Showman. Now that she will play her first major role, Sanya says, "I'm sure sobrang happy po ni Tatay na nakapasok ako. Nakaka-sad lang sobra kasi hindi na niya naabutan."


Puspusan na ang ensayo ng main cast ng nagbabalik sa GMA Telebabad na Encantadia.

Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang aktres na si Sanya Lopez habang nag-eensayo ng arnis.

Siya ang gaganap bilang Danaya, isa sa apat na mga sang'gre, na unang ginampanan ni Diana Zubiri.

Si Sanya, 19, ay bunsong kapatid ng Kapuso actor na si Jak Roberto.

Dumalaw lang daw siya minsan sa kanyang Kuya Jak sa taping ng Walang Tulugan, at doon nga raw siya nakita ni German “Kuya Germs” Moreno.

Kinulit na raw siya ng yumaong Master Showman na mag-artista, kaya pinasok na rin siya sa naturang variety show ng GMA Netowrk.

Halos tatlong taon din daw siya roon.

Ayon kay Sanya, si Kuya Germs ang itinuturing niyang tatay-tatayan, dahil bata pa raw siya ay pumanaw na ang kanyang ama.

Kaya nalulungkot daw siya kapag naaalala niyang hindi na inabutan ng Tatay Germs niya ang malaking pagbabago sa kanyang career, nang napili siyang gumanap bilang Danaya sa Encantadia.

“I’m sure sobrang happy po ni Tatay na nakapasok ako.

“Nakaka-sad lang sobra kasi hindi na niya naabutan.

“Sobrang lapit ko po kasi kay Tatay, kasi wala na nga po akong father, di ba?

“Parang siya na ang itinuring kong tatay ko talaga.

“Sa kanya ako nagsimula, siya ang nagbukas nito [showbiz] sa akin.

“Sobrang pangarap ko lang ‘to dati na di ko akalain na matutupad.”

MESSAGE FROM DIANA. Ang isa pang ikinatuwa ni Sanya ay nang ibinalita sa kanyang nagbigay ng mensahe si Diana Zubiri at nag-congratulate sa kanya.

Saad ng newbie actress, “Sobrang na-shock po ako nang ibinalita sa akin na nag-message nga raw po sa akin si Ms. Diana.

“Sobrang saya, sobrang sarap sa feeling na tanggap ako ni Ms. Diana na gumanap bilang Danaya na pumalit sa kanya.”

Kapansin-pansin ang kaseksihan ni Sanya kaya marami ang nagsasabing puwede siyang sumunod sa yapak ni Diana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede naman daw siyang gumanap ng sexy roles, pero sana isang makabuluhang project naman daw.

“Pag bigyan po ako ng ganung role at alam ko naman po na makabuluhan at may aral sa mga manonood natin, why not po, di ba?” pakli ni Sanya.

Open din kaya siya sa ideyang mag-pose ng sexy sa isang men’s magazine, kagaya ng FHM?

Sagot ni Sanya, “Siguro i-consult ko po muna sa management.

“Saka matinding isipan po muna, kasi hindi pa naman po ako ganun ka-sexy para mag-pose sa FHM.

“Saka dream ko rin po mag-beauty queen someday.

“Paghahandaan ko pa po muna yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN