Vaness del Moral calls out anonymous texter for sending her indecent proposal

Ikinagalit ng Kapuso actress na si Vaness del Moral ang isang text na kanyang natanggap kung saan niyaya siya nito para sa isang one-night stand sa halagang P30,000. Dahil dito, pinagbantaaan niya ang naturang texter na kanyang idemanda kapag hindi siya tigilan nito.


Noong Martes, April 12, nag-post ang Because of You star na si Vaness del Moral sa Instagram ng isang news item tungkol sa bagong ordinansa sa Quezon Ciy na bawal na ang pambabastos sa mga babae sa kalye.

Ito ang kauna-unahang ordinansa sa isang lungsod sa Pilipinas na nagbabawal sa pagsipol, pagtawag ng atensiyon sa isang babae na naglalakad sa kalye, at anumang uri ng masasabi nating pambabastos sa kalye at may karampatan na itong kaparusahan.

The local government of Quezon City has passed an ordinance aiming to reduce catcalling and other forms of street-level sexual harassment against women, Jun Veneracion reported on 24 Oras on Thursday. The Gender and Development ordinance will impose fines ranging from P1,000 to P5,000 and jail terms of one day to one year on people caught making disparaging remarks or stalking women around the city. “Ang Quezon City ang kauna-unahang lungsod sa buong Pilipinas na nag-iimpose na ngayon ng fines, penalties, at pagkakulong sa sinumang taong mambabastos,” QC Administrator Aldrin Cuña explained. “Harassing a woman or a girl in public… catcalling, yung ‘pagka tinawag mong ‘Ms. Beautiful,’ ‘pa-kiss’, ‘yan. ‘Seksi mo’, ‘yan. ‘Pagka sa tingin at pakiwari ng babae ay siya ay nabastos, that is a light offense,” he added. Stalking or making lascivious gestures such as winking at women are considered medium violations while groping and touching women are severe violations. Women may file their complaints with the women’s desk of any nearby police station. The GAD ordinance by the QC Gender and Development Resource and Coordinating Office was formed in response to the United Nation Entity for Gender Equality’s call against sexual harassment. According to the U.S. Equal Employment Opportunity Commission, sexual harassment includes “unwelcome sexual advances, requests for sexual favors, and other verbal or physical conduct of a sexual nature”.

A photo posted by Vaness Del Moral (@vaness_delmoral) on

Pero hindi naman sang-ayon si Vaness na para lang sa mga babae ang naturang ordinansa.

Naglahad siya ng mga kadahilanan kung bakit dapat ay patas dapat sa lahat ang batas—babae o lalaki man, pati na ang mga miyembro ng third sex.

Narito ang paliwanag ni Vaness:

"Here's what I can say about this ordinance.

"1. YES, it is good because SOME men don't know how to respect other women.

"Feeling nila okay lang sa mga babae na nababastos sila at nasisipulan. Feeling nila natutuwa tayo sa mga pa hi miss hi miss nila.

"Eto lang masasabi ko, HINDI KAMI NATUTUWA OR NAAALIW SA MGA GANYAN NIYO.

"2. NO, it is not good because SOME women will abuse this ordinance. Ni hindi ka nga inaano nung lalaki, magsusumbong ka?

"Sasadyaain mo din na sutsutan ka at sabihan ka ng hi miss para makakuha ka ng pera sa mga lalaking wala namang ginagawa ng masama sayo.

"Kawawa ang mga innocent men out there na aabusuhin ng mga ibang babae.

"3. BABAE LANG? Pano yung mga bading/transgender/bakla, na nababastos din? Di ba dapat pati pag binastos sila ng mga lalaki harassment na din yun?

"Asan ang equality? Bakit mga babae lang?

"4. PANO ANG MGA LALAKE? yung mga lalake na binabastos din ng ibang babae at ng ibang mga bading? Di ba dapat nirerespeto din natin ang mga lalake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kawawa naman yung mga mahaharas ng mga babae na mga lalake.

"5. Sa mga babae na kung magsuot ng damit eh akala mo nasa beach sila sa sobrang ikli din ng mga damit nila at kulang sa tela, ayusin niyo din kasi pananamit niyo.

"Kung ayaw niyo mabastos, wag kayo magsusuot ng mga masyadong revealing na damit.

"Magsusuot ka ng short shorts tsaka ng revealing neckline tapos magrereklamo ka na binabastos ka?? Oh come on.

"Magsuot ng damit na sa tingin mo eh hindi ka mababastos dahil tama ang damit mo.

"6. Ang daming loop holes ng ordinance na 'to. Sana lang magawan nila ng paran yung mga taong maaabuso at mangaabuso sa ordinance na ito.#letusallberespinsiblecitizens #kungayawmomabastoswagmagingkabastosbastos  #equalityforallgenders"

VANESS CRIES HARRASMENT. Kasunod nito, nag-post si Vaness sa Instagram ng screen shot ng isang text message kung saan niyaya siya ng isang anonymous texter para sa isang one-night stand sa halagang P30,000.

Dahil dito, nagbanta siyang tumigil na ang naturang texter dahil hindi siya mag-aatubiling sampahan ito ng kaso sa korte.

Aniya, “Dahil ito ay naaayun sa una kong post. Ito? Hindi ba ito sexual harrasment? Whoever you are, stop or I will sue you!!!  #sexualharrasment #gabrielawomensparty  #respect #labananangabuso @gabrielapartylist.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN