Miss USA, Miss Malaysia, Miss Myanmar arrive in the Philippines to support Miss U 2015 Pia Wurtzbach

Hindi lang ang pagpasa ng korona ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang aabangan sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2016 bukas, April 17, kundi ang mga bigating manonood din ng palabas sa Smart-Araneta Coliseum. Kabilang sa mga ito sina Miss USA Olivia Jordan (kanan), Miss Myanmar May Thaw (pangalawa sa kanan), at Miss Malaysia Vanessa Tevi Kumares (pangalawa mula kay Pia).


Masayang-masaya si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurztbach na sa gabi ng pagpasa niya ng kanyang Miss Universe-Philippines crown sa Binibining Pilipinas 2016 coronation night bukas, April 17, ay sasamahan siya ng tatlo sa kanyang maituturing na Miss Universe ‘pageant sisters.’

Kahapon, April 15, dumating na sa bansa ang kanyang roommate sa Las Vegas, Nevada, noong Miss Universe 2015 na si Miss Universe-Myanmar May Thaw.

Kasunod na dumating sa bansa, kahapon din, ang isa pang naging malapit na kaibigan ni Pia si Miss Universe-Malaysia na si Vanesa Tevi Kumares.

Sa kanyang Instagam, nagpasalamat si Vanessa sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy.

Ngayong umaga, April 16, nagsukat na ng kanyang susuuting gown si May sa kilalang fashion designer na si Avel Bacudio.

Nag-post naman si Pia ng larawan nilang tatlo ni May at Vanessa kagabi.

EXCITED MISS USA. Sa Miss Universe Facebook page kahapon, April 15, naka-post dito ang video message ni Miss USA Olivia Jordan, kung saan sinabi niyang excited na siyang makapunta sa Pilipinas at muling makasama si Pia.

Sabi ni Olivia, “Hi Pia, I’m so excited. My bags are packed. It’s so special… I’m coming to join you. Thank you so much for inviting me to come to the Philippines.

“This is seriously a dream come true. I’ve never travelled this far and I’m so excited to see you crown your successor.

“So happy for you and proud of you and everything you are doing.

“And I’m so excited to meet all of your fans and all the people who have been very supportive to me too. See you soon, Pia.”

Sa kanyang Instagram at Twitter, sunud-sunod din ang posts ni Olivia tungkol sa kanyang pagbisita sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN