Louise delos Reyes recalls furious bashing from AlDub fans

Louise delos Reyes continues to feel frustrated about having to deal with her bashers: "So, iyon yung sinasabi ko na ang dami nilang fantasies sa utak nila. Na ang dami nilang stories, tapos i-check naman nila yung reality—na ano ba talaga ang nangyayari."


Aminado ang Kapuso actress na si Louise delos Reyes na pumapatol siya sa mga basher niya sa social media.

Paliwanag niya, “Pikon po kasi ako to start with, e.

“Tapos, parang masyado na kasi talagang below-the-belt.

“Pumatol po ako one time, pero pinagsisihan ko rin po.

“Parang… ang dami ko rin namang tinanong about it.

“Medyo for them, it’s very foul…

“Okay, sige, I admit naman, I’m sorry na medyo foul yun, pero ang dami kasi nilang ginagawang stories na hindi naman totoo.

“So, iyon yung sinasabi ko na ang dami nilang fantasies sa utak nila.

“Na ang dami nilang stories, tapos i-check naman nila yung reality—na ano ba talaga ang nangyayari.

“Iyon naman yung point ko nun.

“Tapos minasama na nila and ang ginawa pa nila, kasi masyado ngang negative nga, as in five hundred plus to a thousand na namba-bash.

“So parang… iniingatan ko rin naman yung ginagawa kong branding this year, na parang I’m also repackaging myself and rebranding.

“Tapos, siyempre parang masyadong negative, binura ko yung picture.”

ATTACK FROM FURIOUS ALDUB FANS. Ang naturang litrato ay ang litrato nila ni Alden sa birthday party kamakailan ng personal assistant ng aktor na si Ten Ten Mendoza.

Patuloy na hinaing ni Louise, “E, di yung mga tao, lalo silang nagalit na parang I’m very guilty about it.

“Tapos, ang nilalagay lang nila sa screencap, yung sinabi ko lang, hindi nila nilalagay lahat ng panlalait nila, sa buong pamilya ko, sa ginagawa ko.

“I cannot stand those people na ganun ang sasabihin nila sa akin, kaya sumagot ako.

“Ayun po. I just have to let it out din po.”

Gumawa rin ba siya ng effort para huwag na lang patulan ang bashers?

“Opo, kasi ang dami talaga nilang sobrang below-the-belt na sinasabi.”

Ang mga namba-bash sa kanya ay ilang fans diumano nina Alden at Maine Mendoza o AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nanahimik ako, ni hindi nga kami nag-uusap [ni Alden]!” bulalas ni Louise.

Ngayong may bago na siyang leading man sa katauhan ni Juancho, malamang ay hihinto na ang bashers niya.

Aniya, “Actually po ano, namba-bash pa rin sila.

“Parang kada may picture ako, mapa-[GMA] Artist Center man, mapa-GMA, basta kahit na sino, kahit yung make-up artist na nag-make-up sa akin, ang dami nilang sinasabi.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise delos Reyes sa GMA Network Center noong nakaraang Huwebes, April 14.

FILTER. Payo namin kay Louise, dapat sanay na siya sa ganoong sistema.

Saad niya, “Hindi, honestly po, before kasi, ang dami kong kasama, parang ang daming nagiging filter.

“Like for example, yung handler ko before, yung mommy ko na siya yung parang nag-a-absorb ng lahat, yung mga kasama ko.

“Ngayon kasi I’m alone.”

Solong namumuhay si Louise ngayon sa isang condo sa Makati.

“Parang, I absorb everything—ako yung nakikipag-usap sa handler ko, ako yung kumukuha ng mga accounts ko, parang ako yung sumasala, na dapat sinasala ng ibang tao.

“Siguro kaya naninibago ako, kasi hindi ako sanay na ako yung nakakakita ng mga bagay na yun.”

Puwede namang huwag na lang niyang basahin ang mga pamba-bash sa kanya.

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Puwede rin naman po.

“Yung bagong Instagram po ngayon, hindi na naipapakita yung comments e, hindi napapakita yung comments agad.

“Dati lang kasi nakikita mo na ang hahaba nila.”

Umamin si Louise na may pagkakataon na iniyakan niya ang pamba-bash sa kanya.

“Opo, yung last.”

Hinigan namin si Louise ng mensahe para sa mga bashers niya.

“Hi, what’s up?” pabiro niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN