Juancho Triviño clarifies Louise delos Reyes wasn't the reason why he stopped courting Ash Ortega

Juancho Trivino explains why he suddenly stopped courting Ash Ortega: "May mga nangyayari talaga na ano... Para sa akin, things happen for a reason."


Si Juancho Triviño ang nag-i-spoof kay Alden Richards sa gag show na Bubble Gang.

At ngayon, ang dating kapareha ni Alden sa first soap niya na Alakdana noong 2011, ay siyang leading lady ngayon ni Juancho sa telefantasyang Magkaibang Mundo—si Louise delos Reyes.

Ano ang masasabi ni Juancho sa tila suwerteng tinatamo ng mga naging leading men ni Louise?

Sagot niya, “Sabi daw nila na yung mga nagiging love team daw ni Louise, nagkakaroon ng malalaking break, e.

“Katulad ni Alden, si Paulo Avelino... so lucky charm daw si Louise.”

Dahil dito, inaasahan ba ni Juancho na susuwertihin din siya?

“Hindi naman. Pero siyempre, magaling kasi si Louise.

“Sa totoo lang, magaling siyang umarte.

“So, I am hoping din na sa onscreen mag-work yung chemistry namin at maging okay yung project na gagawin namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho noong Huwebes, April 14, sa GMA Network Center.

NO RIFT WITH ASH. Si Louise ba ang dahilan kaya tinigilan na niya ang panliligaw sa Wish I May mainstay na si Ash Ortega?

Mabilis niyang tanggi, “A, hindi naman po! May mga priorities lang talaga ako.”

Magkaibigan pa rin daw sila ni Ash, pero hindi na sila nagkikita na tulad ng dati.

“Parehas kaming ano, e, iba yung work [shows] namin.”

Nang makausap namin si Ash sa taping ng Wish I May kamakailan ay parang iwas itong pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Juancho.

“May mga priorities lang talaga kami,” diin ni Juancho.

Galit ba si Ash sa kanya?

“May mga nangyayari talaga na ano...

“Para sa akin, things happen for a reason.”

Magkagalit sila?

Paglilinaw ni Juancho, “Hindi, hindi kami magkagalit.”

Tinawagan pa nga raw siya ni Ash kamakailan lang para batiin siya. Ika-23 kaarawan ni Juancho noong April 13.

Nag-congratulate rin daw si Ash sa bagong project ni Juancho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging selebrasyon niya?

Lahad niya, “Sinurprise ako ng mga kaibigan ko, sila Thea [Tolentino], sila Mikoy [Morales].”

Hindi raw nakapunta si Ash sa naturang birthday surprise para kay Juancho.

BIGGEST BREAK. Biggest break sa showbiz career ni Juancho ang Magkaibang Mundo.

Tuwa ang naramdaman ni Juancho nang malaman niyang siya ang leading man ni Louise dito.

“Kasi siyempre, hindi naman nangyayari sa lahat ito.

“Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataong ganito,” nakangiting sabi ni Juancho.

Dahil nabigyan na siya ngayon ng launching project, sa tingin ba niya ay espesyal siya kumpara sa ibang Kapuso male stars na hindi pa rin pinapalad na bigyan ng big break?

“A, hindi naman. I wouldn’t say special, pero pinaghirapan, pinaghirapan ko talaga kung anuman yung nabigay sa akin.

“Luckily din, napansin din yung mga efforts ko kaya binigyan ako ng project na ganito.

“So, hard work really pays off,” sabi niya.

Sa tingin ba niya ay long overdue na ang pagbibida niya sa isang serye?

Sagot ni Juancho, “Hindi naman.

“Hindi ko rin masabi na ready ako nung mga past times, e.

“So, sa tingin ko, ngayon ready na ako.”

Apat na taon ng sa showbiz si Juancho at first lead role niya bilang isang duwende sa Magkaibang Mundo na ipapalabas simula sa May 23.

“Pero marami rin naman akong role na malalaking roles din naman,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN