Toni Gonzaga confirms pregnancy: "I am expecting my first child."

Toni Gonzaga finally broke the news about her much-awaited pregnancy on ASAP this Sunday, April 17: "Yes, God finally opened my womb and I am expecting my first child."

 


Tuluyan nang binasag ng TV host-actress ang kanyang katahimikan at inanunsyo ngayong araw ang kanyang pagbubuntis sa ASAP.

Unang nasulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 11 ang nasabing pagbubuntis ni Toni, ngunit matapos kumalat ang balita ay parehong naging tahimik ito at ang asawa niyang si Paul Soriano tungkol sa balitang ito.

Read: PEP SCOOP. Toni Gonzaga is pregnant!

Sabi ni Toni sa ASAP kanina, “It took me some time kasi I was waiting for my doctor’s approval .

“Na it’s a go that I can finally say I am pregnant!”

Ninais ni Toni na ibahagi ang importanteng announcement na ito sa ASAP dahil halos lahat daw ng milestones niya sa buhay ay dito niya ibinabalita.

Sabi niya, “Alam niyo mga Kapamilya, espesyal po sa puso ko ang ASAP kasi 2004 nung una akong ni-launch bilang isang Kapamilya.

“Dito ko po yun ginawa sa ASAP.

“Yung first birthday ko dito sa ABS-CBN, dito ko rin ni-celebrate sa ASAP.

“First album ko, first movie and yung first time na ni-celebrate yung engagement ko dito ko rin po ginawa.

“And then, nung ikakasal ako dito ko rin in-aannounce.

“And I am so happy that, finally, our love story ay nagbunga na.”

Kasama ni Toni sina Luis Manzano, Piolo Pascual at kapatid niyang si Alex nang inanunsiyo niya sa ASAP na nagdadalangtao na nga siya.

Ipinakita rin sa screen ang ultrasound ng baby nina Toni at Direk Paul.

Hirit ng kapatid ni Alex, “Grabe ang cute kamukha mo, ha.”

SIBLING REVELRY. Kuwento ni Toni, “I’m so happy na makasama ko sa stage si Alex kaya gusto ko siya yung kasama ko ngayon.

“Kasi the first time I found out about this big news si Alex yung unang nakaalam.

“Siya yung unang nakaalam sa lahat.

“Sabi ko, ‘Anong gagawin ko?’

“Sabi niya [Alex], ‘OA mo, anong gagawin mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong humirit si Alex, “Tumawag siya, sabi niya, ‘Catherine may sasabihin ako, huwag kang mabibigla.’

“Sabi niya, ‘Buntis ako.’

“Sabi ko, ‘Mas mabigla ka kung ako yung buntis.”

Pinasalamatan naman ni Toni ang bunsong kapatid dahil naging training ground niya daw ang kapatid pagdating sa pagpapalaki ng bata.

“Gusto kong magpasalamat sa kanya [kay Alex ] kasi nung lumalaki kami parang tumayo niya akong ina.

“And naging training ground siya sa akin kung paano palakihin ang isang bata.

Pabirong tanong ni Piolo, “Ba’t di mo napalaki ng ayos ‘to?”

Sagot ni Toni, “Kaya nga, e.

“Baka mauna pang mag-mature yung anak ko sa kanya.”

Nilinaw naman ni Toni na tuloy pa rin ang trabaho hangga’t puwede siya.

Pag-linaw niya, “Gagawin pa rin natin yung mga commitment natin.

“But eventually, of course medyo we will just take it slow this time.

“I really just want to enjoy the moment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN