The Millionaire's Wife director Albert Langitan's wife demands financial support through an open letter

Sa pamamagitan ng Facebook post, ibinahagi ni Hazel Langitan ang kanyang pagkadismaya sa estranged husband nitong si Direk Albert Langitan ng The Millionaire's Wife. Hindi na raw kasi ito nakapagbibigay ng tamang sustento para sa dalawa nilang anak dahil naka-focus na raw ito sa kanyang bagong kinakasama.


Isang mahabang open letter ang ibinahagi sa Facebook ngayong araw, April 17, ni Hazel Langitan, ang estranged wife ng TV director na si Albert Langitan.

Si Albert ang direktor ng kasalukuyang umeereng afternoon soap ng GMA Network na The Millionaire’s Wife ng GMA.

Nakasaad sa mahabang post ni Hazel ang tungkol sa suportang hindi na raw tamang naibigay ng direktor sa kanilang dalawang anak.

Ayon sa post, parang nakatuon na raw ang pansin ng direktor sa kanyang bagong kinakasama.

Saad ni Hazel: “TO DIREK ALBERT LANGITAN!! YOU HAVE A RESPONSIBILITY TO YOUR FAMILY. BE RESPONSIBLE ENOUGH FINANCIALLY.

“YUN NA LNG ANG KAYA MONG IBIGAY..SUMASABLAY KAPA!!

“KAYA MO NGA IBAHAY YANG KABIT MO TAPOS DI MO KAYA BUHAYIN ANG PAMILYA MO.

“HINDI ITO UNANG BESES NA GINAWA MO SA AMIN. KUNG TOTOO NA ANG LAHAT NG PERA MO NAPUPUNTA SA AMIN EH DI HINDI SANA NAHILA NG BANKO ANG KOTSE NG ANAK MO!!

“HINDI SANA MAWALANG PARANG BULA ANG MGA PROPERTIES NA NAINVEST MO!!

“NGAUN PATI DAILY NEEDS AND TUITION NG ANAK MO TINATAGUAN MO!! MAHIYA KA NAMAN!!

“DI KASALANAN NG MGA ANAK MO YUNG MALING DESISYON NA KUMUHA KA NG HIGH MAINTENANCE NA KABIT KAYA KA NAHIHIRAPAN!!

“WAG MO SILA IDAMAY!! MAGBIGAY KA NG TAMA! HINDI ASO ANG MGA ANAK MO NA TUTUNGANGA AT MAGHIHINTAY KUNG KELAN MO GUSTONG MAGBIGAY. ME CONTRACT KA SA GMA 7. ME SHOW KA â�ª#‎THEMILLIONAIRESWIFE!!

“BAKIT WALA KANG MAIBIGAY. NAI CONDO MO YUNG KABIT MO. NAIBILI MO NG BAGONG KOTSE.

“YUNG MGA ANAK MO PALALAKARIN MO SA INITAN!!! PUNONG PUNO NA AKO SA KAPAL NG MUKHA NINYONG DALAWA NG KABIT MO!! BWAKA NG ASSHOLE KAYONG DALAWA!! MAGTAGO KA PA!! TYONG TATLO MAGLALABAN LABAN!!”

THE THIRD PARTY. Sa naturang post, naglakip din si Hazel ng larawan ng asawa at ng bago nitong kinakasama.

Ito daw ay si Edz Cayanga na kasama na sa buhay ng kanyang estranged husband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy pa ni Hazel, “AT IKAW EDZ CAYANGA!!! WAG MO NAMAN HUTHUTIN LAHAT!! MAGTIRA KA NAMAN SA MGA ANAK KO!!

“NANIRA KA NA NG PAMILYA. PATI MGA ANAK KO NAKIKIPAG KUMPETENSYA KA!! KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!!

“SOBRANG HIRAP BA MAG TRABAHO KAYA YANG PAGIGING KABIT ANG KINAKAREER MO!! PURO KA LNG DAKDAK!! DUWAG KA NAMANG BITCH KA!!!”

“KARAPATAN NAMIN.” Sa huli, may paalala naman ni Hazel sa mga taong gustong makisawsaw sa isyu nilang mag-asawa.

“AT SA MGA GUSTONG MAG REACT!!! FREE KAYONG MAG REACT!! PERO SIGURADUHIN NINYO NA ALAM NINYO YUNG PUNO AT DULO NG STORY NA TO!!

“HINDI YUNG ISANG SIDE LNG ANG NARINIG NINYO. KUNG GUSTO NINYO NA PATUNAYAN KO LAHAT NG SINASABI KO..

“MESSAGE NYO LANG AKO. FREE AKO NA IPAKITA SA INYO LAHAT.”

Sabi rin niya, sana ay tuparin nang maayos ni Direk Albert ang mga tungkulin nito bilang ama sa kanilang mga anak.

Pagtatapos ni Hazel, “ISA PA.. ALAM NATIN NA ISANG MAGALING NA DIREKTOR SI ALBERT LANGITAN.

“MABAIT, MAGALING MAKISAMA, GENEROUS. WALA PO AKONG MASASABI DYAN.

“DAHIL AKO MISMO BOW AKO KE DIREK. ANG PINAGLALABAN KO PO DITO ANG KARAPATAN NAMIN.

“MAHIRAP INTINDIHIN PERO MAS MAHIRAP KUNG WALA KANG KAKAININ. AT WALA PO AKONG BALAK AKUIN ANG RESPONSIBILIDAD NI DIREK FINANCIALLY.

“YAN NA LNG ANG MABIBIGAY NYA SA MGA ANAK NYA. KAYA GAWIN NYA NG MAAYOS.”

“TAMANG FINANCIAL SUPPORT.” Sa pamamagitan ng Facebook messaging, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hazel.

Ang sabi niya, June 2014 sila naghiwalay dahil daw nagkaroon ng ibang babae si Direk Albert.

1996 sila ikinasal sa simabahan at mayroon silang dalawang anak: isang 18-year-old girl at isang 9-year-old boy.

Hindi pa raw sila legally separated o annulled.

Noong una, maayos naman daw ang pagbibigay ng direktor ng sustento para sa mga anak hanggang nitong 2015.

Kuwento ni Hazel, “Nagsusustento naman po. Okey naman po yung bigay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkaproblema lang ng Feb 2015 kasi nag-expire yung contract niya sa GMA.

“And siguro po nahirapan siya kasi nagsasama sila ng babae niya.”

Ang bago raw nitong kinakasamang babae ay nakilala ng direktor sa dating primetime series na Rhodora X, kung saan isa ito sa mga naging extra sa show.

Hiling lang daw ni Hazel ngayon ay ang tamang financial support para sa kanilang dalawang anak.

Humingi na ang PEP ng statement mula sa kampo ni Direk Albert, ngunit pinili ng direktor na huwag na lamang magsalita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN