Maxine Medina crowned Miss Universe-Philippines 2016

Maxine Medina was crowned Miss Universe-Philippines 2016 at the recently-concluded Binibining Pilipinas 2016 coronation night held at the Smart-Araneta Coliseum. She was crowned by outgoing titleholder and reigning Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach.


Napili na ang Filipina beauties na lalahok sa international pageants ngayong taon sa ginanap na Binibining Pilipinas 2016 coronation night nitong Linggo, April 17, sa Smart-Araneta Coliseum.

Kinoronahan bilang Miss Universe-Philippines si Maxine Medina (Candidate No. 29) na sasali ngayong taon sa Miss Universe.

Ang crowd favorite namang si Kylie Verzosa (Candidate No. 31) ang hinirang Bb. Pilipinas-International.

Si Joanna Eden (Candidate No. 13) ang napiling Bb. Pilipinas-Supranational; si Jennifer Hammond (Candidate  No. 26) ang nakakuha ng Bb. Pilipinas-Intercontinental title; at si Nicole Cordoves (Candidate No. 11) ang nanalo sa titulong Bb. Pilipinas-Grand International.

Ang kapatid ni Bb. Pilipinas-Universe 2009 Bianca Manalo na si Nichole Marie Manalo (Candidate  No. 28) ang itinanghal na Miss Globe Philippines.

First runner-up naman si Angelica Alita (Candidate No. 38) at second runner-up si Jehza Huelar (Candidate  No. 37).

Nakapasok naman sa Top 15 sina Vina Openiano (Candidate No. 16), Riana Pangindian (Candidate No. 5), Apriel Smith (Candidate No. 22), Roshiela Tobias (Candidate No. 9), Kimberle Penchon (Candidate No. 4), Dindi Pajares (Candidate No. 27), at Edjelyn Joy Gamboa (Candidate  No. 12).

Sinimulan ang coronation night sa pagbibigay ng special awards:

Miss Friendship - Candidate #16 Vina Openiano

Miss Talent - Candidate #16 Vina Openiano

Best in National Costume - Candidate #3 Angela Fernando

Miss Photogenic - Candidate #31 Kylie Verzosa

Miss Philippine Airlines - Candidate #29 Maxine Medina

She's So Jag Jeans Award - Candidate #31 Kylie Verzosa

Best in Swimsuit - Candidate #13 Joanna Eden

Sina Xian Lim at KC Concepcion ang nag-host ng coronation night ng Binibining Pilipinas 2016.

Kakaiba ang naging question and answer ng mga kandidata ngayong taon dahil sa halip na ang mga kandidata ang bubunot ng judge na magtatanong sa kanila, ang mga hurado ang bumunot ng mga pangalan ng mga kandidatong kanilang tatanungin.

Kabilang sa mga judge si Miss Universe 2nd runner-up Olivia Jordan, film and TV actor Ian Veneracion, at ang anak ni Mar Roxas na si Paolo Roxas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN