Alden Richards and Maine Mendoza interact with KathNiel, James Reid at an awards night

Humakot ng awards sina Alden Richards at Maine Mendoza sa ginanap na 47th Box Office Entertainment Awardskagabi, April 17.


Isa sa mga naging highlight ng 47th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) ang pagdalo ng phenomenal AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Parehong nagwagi ng ilang awards sina Alden at Maine, kabilang na ang Breakthrough Male and Female Star of Philippine Movies and TV.

Si Alden ay tumanggap din ng Breakthrough Recording/Performing Artist dahil sa kanyang five-time platinum Wish I May album sa GMA Records.

Si Maine naman ay itinanghal na Most Promising Female Star.

Kasama rin sila sa tumanggap ng awards para sa Highest Opening Day Gross of All Time para sa My Bebe Love #KiligPaMore (P60.4 million) at Highest Record Rating of a Noontime Show of All Time para sa Eat Bulaga: Tamang Panahon (55%).

Ginanap ang awards night sa Grand Ballroom ng Novotel Manila, sa Araneta Center, Cubao, Quezon City, kagabi, April 17.

Photos: Nora Calderon

Ang AlDub ang unang love team na dumating.

Medyo na-late pa nga sila dahil nag-advance taping pa si Alden ng Sunday PinaSaya bago niya sinundo si Maine. 

Binigyan ng security ang dalawa at may sariling elevator na naghintay sa kanila para diretso na sana silasa seats nila, pero pinagkaguluhan pa rin sila ng fans. 

Nang makaupo na sina Alden at Maine, binate sila ng isa sa mga host ng programa na si Maja Salvador.

Sabi pa ni Maja, “Hi, Maine, nice to meet you. Pa-picture!”

Sinundan pa niya ito ng pagkanta ng “Ako’y Kinikilig,” na kinakanta madalas ni Maine kay Alden sa kanilang Kalyeserye sa Eat Bulaga.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Maine na hindi niya akalaing dahil sa pagda-dubsmash niya ay magiging Most Promising Female Star siya.

FIVE KISSES. Pagkatapos namang tanggapin ni Alden ang kanyang Breakthrough Recording Artist of the Year award, nag-request si Maja ng five kisses kay Maine para kay Alden. Each kiss daw for one platinum record. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halatang nagulat si Alden sa request ni Maja at umakma siyang hahalikan si Maine, pero dapat daw ay talagang limang halik.

Tinapik-tapik ni Maine sa likod si Alden, na parang okey sa kanyang halikan ni Alden.

Iginiit naman ni Maja na five kisses ang hinihintay ng audience, kaya binilangan sila ng Kapamilya actress.

Naghalinhinan naman sa paghalik ang dalawang Kapuso stars; tatlo kay Maine at dalawa kay Alden.

Umakyat na naman sa stage sina Alden at Maine para sa kanilang Breakthrough Male and Female Star of Movies & TV dahil sa phenomenal success ng kanilang love team.

Ang AlDub ang first recipients ng nasabing award.

Nagkagulo naman sa loob ng venue nang tumayo sina Alden at Maine dahil akala ng fans ay aalis na sila, pero nag-rest room lang pala si Maine.

Pagbalik nila sa kanilang upuan ay nadaanan nila ang ilang Kapamilya stars, kabilang na ang KathNiel loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at si James Reid.

Isa-isa namang kinamayan nina Alden at Maine sina Kathryn, Daniel, at James habang pabalik ng kanilang upuan.

OTHER SIDELIGHTS. Kasama ni Maja na nag-host ng 47th Box Office Entertainment Awards sina Martin Nievera at Robi Domingo.

Naging host-performer ang Concert King dahil siya rin nag-open ng show sa pamamagitan ng awiting “This Is The Moment.”

Sina Bea Alonzo at Coco Martin ang tumanggap ng Phenomenal Stars of Philippine Cinema. 

Magkasamang dumalo sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa award nilang Prince & Princess of Philippine Movies. Binati ni Daniel ang ibang mga kasamang artista sa awards night. 

Nagkaroon ng reunion ang JoWaPao trio nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros dahil sila ang tumanggap ng Bert Marcelo Lifetime Achievement for Comedy ngayong taon. 

Nang mapiling Best Dressed Male Celebrity si Paolo, sumigaw siya ng “Regine!” na lagi niyang sinasabi sa Kalyeserye bilang Lola Tidora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sigaw ng fans na sana ay bumalik na si Paolo sa Eat Bulaga, kung saan suspendido ngayon ang TV host-comedian.

Tinanggap naman ng Heneral Luna ang Highest Grossing Historical Film of All Time.

Si Coco Martin ang tumanggap ng Highest Record Rating of a Teleserye of All Time para sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Tinanggap ng The Half Sisters stars na sina Barbie Forteza at Thea Tolentino, with Andre Paras, ang Most Popular TV Program Afternoon Prime Drama.

Sina Andre at Barbie rin ang nanalong Most Promising Love Team of Movies & TV.

Masayang-masaya naman si Ken Chan nang tanggapin niya ang Most Promising Male Star dahil sa pagganap niya sa Destiny Rose.

Pinatunayan naman ni Maja na siya ang New Female Concert Performer of the Year nang mag-perform siya ng isang magandang sing-and-dance production number.

Nag-perform din si Darren Espanto na nanalong New Male Concert Performer of the Year.

Tinanggap ni Enchong Dee ang kanyang New Male Recording Artist of the Year.

Si Jed Madela ang napiling Male Recording Artist of the Year.

Tinanggap naman ni Federico Moreno ang posthumous award for Entertainment Excellence ng yumaong ama na si German Moreno, at ang mga anak ni Direk Wenn Deramas ang tumanggap ng kanyang posthumous award as Phenomenal Box Office Director.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ang itinanghal na Most Popular TV Program News and Public Affairs.

Si Xymon “Onyok” Pineda naman ang Most Popular Child Performer. 

Nag-perform din ang The Company na nanalo namang Most Popular Recording/Performing Group.

NO SHOW. Marami naman sa awardees ang hindi nakadalo.

Kabilang na sina Vice Ganda at John Lloyd Cruz, na parehong recipients ng Phenomenal Stars of Philippine Cinema. 

No show rin sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na nanalong Box Office King & Queen.

Si Jose Manalo ang kumuha ng trophy ni Vic at si Alden naman ang pinakiusapan ni Ai-Ai na tumanggap ng trophy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Pop Princess na si Sarah Geronimo ay hindi rin nakadalo upang tanggapin sana ang tropeyo niya bilang Female Recording Artist of the Year.

Wala rin si Nadine Lustre na itinanghal na Princess of Philippine TV.

No show rin ang LizQuen loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil na itinanghal bilang Most Popular Loveteam of Movies & TV.

Nasa New York naman ngayon si Kim Chiu na nanalong New Female Recording Aritst of the Year. 

Si Martin lamang ang tumanggap ng award nila ni Gary Valenciano as Male Concert Performers of the Year dahil nasa Japan ngayon si Mr. Pure Energy.

No show rin sina Regine Velasquez-Alcasid at Lani Misalucha na Female Concert Performers of the Year.

No show rin sina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado na siya namang itinanghal na Film Actor and Actress of the Year, respectively. 

Pareho silang nag-confirm pero last minute ay hindi raw sila puwede.

Wala rin si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na second awardee ng Corazon Samaniego Lifetime Achievement Award. 

Special awardee rin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, pero nasa katabi lamang ng Novotel na Smart-Araneta Coliseum ang beauty queen para sa Binibining Pilipinas 2016.

Ipalalabas ang 47th Box Office Entertainment Awards sa May 1, sa Sunday's Best ng ABS-CBN.

View Gallery: AlDub congratulates James Reid, Kathniel at Guillermo Awards; AlDub shares 5 kisses


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN