Sandiganbayan orders arrest of former Laguna Governor ER Ejercito

Hindi nakadalo si dating Laguna Governor ER Ejercito sa nakatakda sana niyang arraignment sa Sandiganbayan para sa graft case nito noong alkalde pa siya sa bayan ng Pagsanjan. Kasalukuyan daw kasi itong naka-confine sa isang opsital dahil sa isang karamdaman.


Ipinapaaresto ng Sandiganbayan Fourth Division ang dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito.

Ito ay matapos hindi sumipot ang actor-politician sa arraignment ngayong araw, April 18, ng graft case na kinahaharap nito.

Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa isa diumanong maanomalyang insurance deal noong 2008, nang siya pa ang nanunungkulang mayor sa Pagsanjan, Laguna.

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, April 18, sinabi ng abugado ni ER na si Atty. Antonio Jose Gerardo Paz na hindi makakadalo sa hearing ang kanyang kliyente dahil kasalukuyan pa raw itong naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC), sa San Juan City.

Nagpakita pa ito sa korte ng medical certificate ni ER na may petsang April 18, 2016.

Nakasaad dito na na-confine ang actor-politician sa CSMC simula pa kahapon, April 17, dahil sa "community acquired pneumonia with moderate risk."

(Courtesy: GMA News Online)

Pero ayon sa pagsusuri ni Associate Justice Geraldine Faith Econg, parang may binago sa petsa ng pagka-confine ni ER sa CSMC.

Magkaiba rin daw ang pangalan ng attending physician nito at ang signatory sa medical certificate.

Wala rin daw itong dry seal ng ospital.

BENCH WARRANT OF ARREST. Sinang-ayunan naman ni Fourth Division chairman Associate Justice Jose Hernandez ang mga obserbasyon ni Justice Econg.

Sabi ng naturang huwes, “This certificate has no value this court. It cannot be used for legal purposes…This kind of medical certificate should only be presented in school.”

Kaagad na nag-utos si Judge Hernandez na magpalabas ng bench warrant of arrest laban kay ER, at ang pagka-forfeit ng P30,000 bail bond na ibinigay niya noon para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa nasabi ring kaso.

Ang 'bench warrant of arrest' ay iniuutos ng mga korte kapag ang isang nahaharap sa isang sakdal ay hindi dumalo sa hearing na kanilang itinakda. Kadalasan nangyayari ito sa isang criminal or civil proceedings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyan naman ng husgado ang kampo ni ER ng 30 araw upang makapagbigay ng rason kung bakit hindi siya dapat arestuhin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN