Bea Alonzo clarifies rumors linking her to John Lloyd Cruz and Paulo Avelino

Bea Alonzo will again be seen on television after a long hiatus, "Para sa akin, sa mga ginagawa ko sa TV, parang kakaiba ito. Mas mature siya, relatable. Maraming makaka-relate lalo na sa panahon ngayon."


“Wala, single but happy. Sabi nga ni Basha.”

Ganito inilarawan ni Bea Alonzo ang estado ng kanyang love life ngayon bilang pagkumpara sa karakter niya sa hit romantic movie na One More Chance.

Sa sagot na ito ng aktres ay tila sinagot na rin ng Kapamilya actress ang mga isyu patungkol sa kanya.

Bukod na siya ang itinuturo na third party sa hiwalayang John Lloyd at Angelica Panganiban, may balita ring nakitang magkasama sila ni Paulo Avelino sa Singapore kamakialan.

Consistent si John Lloyd sa mga pahayag niyang magkaibigan lang silang dalawa ni Bea, bagay na sinang-ayunan naman ng aktres.

Sabi ni Bea, “Magkaibigan naman talaga kami ni John Lloyd.

“I mean, we’ve been working together for so many years.

“Di ba, normal naman yata kasi ako yung huli niyang nakatrabaho?”

Nilinaw rin ni Bea ang balita tungkol sa kanila ni Paulo na naging kapareha sila sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

“Oo, nandun siya sa Singapore, kasama ko si Enchong [Dee] saka yung manager namin na si Tita Monch, kaya kinita namin si Paulo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa 47th Box Office Entertainment Awards na ginanap sa Novotel Hotel kagabi, April 17.

Isa siya sa itinanghal na Phenomenal Box Office Stars, kasama sina John Lloyd, Vice Ganda, at Coco Martin.

RUMORS, SIGHTINGS. Tinanong din si Bea sa mga nabalitang sighting sa kanilang dalawa ni John Lloyd, gaya ng sa Hong Kong at Balesin.

Sabi niya, “We were in Hong Kong because of the screening of A Second Chance.

“Balesin? Ay, hindi, nasa beach ako nun.

“I was in Amanpulo with my brother and the girlfriend of my brother. Yun 'yon.

“Actually I was asked, nakakatawa yung mga kaibigan ko, tinatanong nila ako.”

Kumusta naman ang samahan nila ngayon ng ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Bea, “Nag-uusap pa rin kami hanggang ngayon.

“Balikan? Hindi ko alam, hindi ko masasabi ang panahon, e.”

Sa mga pamba-bash na tinatanggap ni Bea sa mga isyung naipukol na sa kanya, mukha namang hindi apektado ang aktres.

“Wala naman, hindi na naman first time.

“Bashers? A, mayroon ba? Di masyado.”

NEW SERYE. Matagal-tagal na rin nang huling mapanood si Bea sa isang teleserye.

Pero mayroon palang sisimulang gawin ang aktres sa susunod ng buwan.

“Yes, I am doing a teleserye this May, magro-roll na kami this May.

“Para sa akin, sa mga ginagawa ko sa TV, parang kakaiba ito.

“Mas mature siya, relatable. Maraming makaka-relate lalo na sa panahon ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN