Bb. Pilipinas title-holders Kylie Verzosa, Nichole Manalo thank their supporters

Nagpasalamat din sina Bb. Pilipinas-International Kylie Verzosa (kaliwa) at Miss Globe Philippines Nichole Manalo (kanan) sa kanilang supporters at sa lahat ng mga nagdasal sa kanilang laban sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas kagabi, April 17.


Hindi lang ang bagong hirang na Miss Universe-Philippines 2016 na si Maxine Medina ang labis na nagpapasalamat sa kanyang supporters dahil sa pagkapanalo niya.

Nagpasalamat din ang iba pang nanalo sa anim na titulong at stake sa Binibining Pilipinas 2016 coronation night nitong Linggo, April 17.

Read: Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina hopes for back-to-back Miss Universe win

BB. PILIPINAS-INTERNATIONAL. Ayon kay Kylie Verzosa, hindi pa rin siya makapaniwala na nakuha niya ang korona bilang Bb. Pilipinas-International.

Bukod sa supporters at kaibigan, inaalay rin ni Kylie sa kanyang mga magulang ang pagkapanalo niya.

Pahayag niya sa kanyang Instagram account, “I am still in awe. I can't believe it. I am ecstatic and overjoyed.

"I am so grateful to have this moment, it took sometime to sink in.

"Thank you to everyone who supported me, especially to my Angels, you were also the stars of the night.

"To my parents, you are the best. I love you.

"To Aces and queens, Mama Rommel, Mac, Harry, Francis. Thank you for believing and helping me win that night.

"I'll be representing the Philippines for Miss International 2016 and I promise I won’t let you down.”

Nakatakdang gawin ang Miss International 2016 sa Japan.

MISS GLOBE PHILIPPINES. Para naman kay Nichole Manalo, na itinanghal na Bb. Pilipinas-Globe, bukod sa pagpapasalamat sa supporters, inalay rin niya ang kanyang korona sa yumaong ama.

Aniya, “Hello everyone!!!!! Thank you for your prayers, love and support!!!

“Im soooo overwhelmed!! Im now ready to conquer the globe!! Your Bb. Pilipinas Globe 2016 and Miss creamsilk!

"Daddy!!!!! Sabi ko sayo pagdalaw ko ulit may crown na ko eh.. Yeeeey!!!”

Si Nichole ay kapatid ng aktres at Bb. Pilipinas-Universe 2009 na si Bianca Manalo at ng Bb. Pilipinas-World 2002 na si Katherine Anne Manalo.

Namayapa ang kanilang ama noong Abril 2016.

Ang Miss Globe naman ay gaganapin sa Canada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN