Mark Herras now a changed man because of girlfriend WinWyn Marquez

Mark Herras: "Kung meron man akong bad image before na sabi nila may pagka-playboy, hindi na ito ngayon. Naniniwala ako na ang tao puwedeng magbago. I'm hoping na maayos, na maging positive din yung vibes ko kay Wyn."


Sa Miyerkules, April 19, ay ihahatid na sa huling hantungan ang ina ni Mark Herras na si Jasmin Santos, na sumakabilang-buhay noong nakaraang linggo.

Mahal na mahal ka namin mama... ?????

A photo posted by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on

Nang dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa burol ng kanyang ina sa Sta. Rosa, Laguna, nabanggit nitong may mga ilang kaibigan niya sa GMA Network na nakiramay sa kanya.

Sobrang na-appreciate daw niya ang pagsadya ng kanyang mga kabigan sa tahanan nila sa Laguna.

Pero ang isa sa ikinatuwa nang husto ni Mark ay ang suportang ibinigay sa kanya ng kasintahan niyang si Winwyn Marquez.

Lagi raw siyang sinasamahan ni Winwyn sa burol.

Minsan ay hindi raw ito nakakapunta kapag kailangan sa pangangampanya ng kanyang ina na si Alma Moreno, na tumatakbong senador ngayong eleksiyon.

Sabi ni Mark, nasa tamang panahon ang pagdating ni Winwyn sa buhay niya.

Tapos na raw siya sa mga dati niyang gawi na alam niyang hindi naman nakakabuti sa kanya.

BAD BOY NO MORE. Malaki raw ang naimpluwensiya sa kanya ni Winwyn dahil sa pagpursigi nitong matupad ang lahat na mga ambisyon niya sa buhay.

Pahayag ni Mark, “Marami siya kasing gustong mangyari sa buhay niya, and alam ko na ginagawa niya talaga.

“Ako, hindi ko kayang pagsabay-sabayin ang ginagawa ko sa trabaho,

“Ganun siya kasi, e. Nakakabilib siya, ang galing niya sa time management.

“So, nakakahawa yung good vibes niya.”

Malaki raw ang nabago kay Mark para maipagmalaki naman siya ni Winwyn sa pamilya nito.

“Basta ang gusto ko, e, hindi ako mapapahiya sa parents ni Wyn, at sa mga tao.

“Kasi yun ang sinasabi nila na ‘ganyan na naman si Mark,’ na hindi raw ako nababagay kay Wyn.

“I want to prove them wrong,” pahayag ng 29-year old Kapuso actor.

Dagdag pa niya, “Kung meron man akong bad image before na sabi nila may pagka-playboy, hindi na ito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala ako na ang tao puwedeng magbago.

“I’m hoping na maayos, na maging positive din yung vibes ko kay Wyn.”

SETTLING DOWN. Nabanggit din ni Mark na pagtuntong ng edad na 32 o 33, puwede na siyang magpakasal. Kaya ipon na lang daw siya nang ipon.

Kung papalarin, si Winwyn na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.

Pero hindi pa raw nila ito napapag-usapan dahil nakikita ni Mark na marami pang gustong matupad si Winwyn sa buhay.

Saad ni Mark, “Basta ini-enjoy lang muna namin yung moment kasi busy din si Wyn, e.

“Busy siya sa pagtulong sa campaign ng mommy niya, kay Kuya Jeremy [Marquez], kay Kuya Vandolph.

“Ang mahalaga dun, e, sinasamahan niya ako dito sa mga oras na kailangan ko siya.”           

Si Winwyn na ba ang babaeng pakakasalan niya?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN