PEP EXCLUSIVE. Aiko Melendez confirms relationship with Persian businessman

Hindi maitago ang kasiyahan ni Aiko Melendez sa piling ng bago nitong boyfriend na si Shahin Alimirzapour, isang Persian businessman. Kasalukuyang nasa Davao City ang dalawa kasama ang ilan pang kaibigan.


Kinumpirma ni Aiko Melendez na boyfriend na niya ang foreigner na madalas makitang kasama niya sa kanyang Instagram posts.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alaman namin mula kay Aiko na ang pangalan ng bago niyang inspirasyon ay Shahin Alimirzapour.

Si Shahin ay isang Persian o mula sa bansang Iran ngunit naka-base ngayon sa Pilipinas.

Kapansin-pansin sa Instagram posts nina Aiko at Shahin ay may mga kalakip itong hashtag na #withtheone.

Omg.... Cant believe he followed ??? #withtheone

A photo posted by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Starting a new story and Journey with @shahin_mirzapour_ no explanation needed... ??????

A photo posted by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Here we go :) lets do this :) #ziplineadventure #withtheone @shahin_mirzapour_ ??

A photo posted by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

“HE MAKES ME SMILE.” Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, eksklusibong nakapalitan ng mensahe ng PEP si Aiko ngayong Martes, April 19.

Kasalukuyang nasa Davao City si Aiko kasama ang ilang mga kaibigan, at sumunod daw sa kanya roon ang foreigner boyfriend.

Panimula ng 40-year-old actress tungkol kay Shahin, “He is the one who makes me smile and who made an effort to pursue me.”

Nagkakilala raw sila sa birthday party ng isa niyang kaibigan.

Labis daw ang kasiyahan ni Aiko dahil sinorpresa siya ni Shahin habang nasa Davao.

“We are in Davao right now to visit my friend. Came here with Pepsi Herrera and Edwin Tan but he surprised me and followed me here.”

Matagal na ring single si Aiko.

Sabi niya tungkol dito, “Yeah, you know, I have just been dating, di ba, for so long, and I was afraid to put any label.

“But now, it's going to that direction that we both want a label for it.

“Because I asked him to prove his worth, and now he is.”

Ayaw raw munang magbigay ni Aiko ng maraming detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Nang tanungin kung sila na ni Shahin, diretsong sagot ng aktres: “Yes, we are.”

“I LOVE HER BEHAVIOR.” Sa pamamagitan pa rin ng direct messaging sa Instagram, tinanong ng PEP si Shahin kung ano ang mga nagustuhan niya kay Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng Persian businessman, “We just clicked so well.

“We have so many things in common and we love the same things.

“I love her behavior, she has her own style.

“There are so many things that made me fall in love with her.

“She is an introvert, an artist, a lover, a fighter.

“I love it the way she accepted me, the way she is so humble with everybody.”

Tungkol naman sa 12-year-old age gap nila, wala raw itong problema kay Shanin.

“Not at all,” sambit niya.

May dalawang anak na si Aiko—si Andrei na anak ng aktres sa una niyang asawa na si Jomari Yllana at si Marthena, anak niya sa kanyang pangalawang asawa na si Martin Jickain.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN