Angelica Panganiban congratulates best friend and new dad John Prats

"Ang perfect. Ang solemn (wow) ang kumpleto... Sa kahit anong jokes namin. Never ka ngumiti ng ganyan," says Angelica Panganiban about her best friend John Prats, who is now a daddy to Baby Feather.


Ipinahayag ni Angelica Panganiban ang kanyang excitement sa pagsilang ng inaanak niya sa best friend na  si John Prats.

Sa kanyang Instagram post kanina, binati ni Angelica ang matalik na kaibigan dahil sa pagdating ng anak nila ni Isabel Oli — si Lily Feather.

Sa larawang na-post ni Angelica, hindi makikita ang mukha ni Baby Feather, subalit mapapansin naman ang labis na katuwaan ng first-time dad na si John.

Paglalarawan pa ni Angelica: “Hindi kasi matatawaran yung itsura mo.

“Ang perfect. Ang solemn (wow) ang kumpleto...

“Sa kahit anong jokes namin. Never ka ngumiti ng ganyan.

“Sa wedding mo, napakasaya mo. Pero ang dami mong inaalala.

“Ngayon... Kayong tatlo lang ni liv... Yung 9 months na struggle at pagtitiyaga ninyo, ang binigay sa inyo, healthy baby and normal delivery.

“saludo ako sayo daddy pets... lalo na kay mommy Liv.”

Dagdag pa ni Angelica, “Excited na ako kargahin si @featherprats.. with so much love kay ninang/nanaypet. Mahal ko kayong tatlo.”

Sabay na inanunsiyo ng mag-asawang John at Isabel ang pagsilang ni Baby Feather sa Instagram kagabi, April 18.

So this is what LiFe looks like. Hello my #BabyDynamite @featherprats ?? 4-18-16 #WeAreTheDynamites

A photo posted by John Paulo Q. Prats (@iamjohnprats) on

Read: Isabel Oli gives birth to Baby Lily Feather


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN