Pauleen Luna hits back at basher accusing her of stealing Vic Sotto from Pia Guanio

Hindi pinalampas ni Pauleen Luna ang komento ng isang basher na inagaw diumano niya ang mister na si Vic Sotto sa dati nitong girlfriend na si Pia Guanio. Giit ni Pauleen, nagsimula silang mag-date ni Vic nang tapos na ang relasyon nito kay Pia.


Binuweltahan ni Pauleen Luna ang isang netizen matapos siyang akusahan nito na inagaw niya diumano ang mister na si Vic Sotto mula kay Pia Guanio.

Si Pia ay dating girlfriend ni Vic.

Nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila at nakatagpo ng bagong pagmamahal si Pia, sa katauhan ni Steve Mago, isang businessman.

Nagpakasal ang dalawa noong October 1, 2011.

Umingay ang isyung may namamagitan kina Vic at Pauleen noong 2012, at inamin ng comedian-TV host ang relasyon nila noong December 2013.

Nagpakasal sila nitong January 2016.

Magkakasama sina Pauleen, Pia, at Vic sa noontime show na Eat Bulaga.

Nitong Martes ng gabi, April 19, nag-post si Pauleen ng sweet photo nila ni Vic.

Dito, isang netizen na may handle name na @cindyuayan ang nagkomento nang sunud-sunod.

Pinaratangan niyang 'mang-aagaw' si Pauleen at sana raw ay masaya na ito ngayong kasal na sila ni Vic.

Message pa ng basher, napilitan si Pia na magpakasal sa iba dahil inagaw ni Pauleen si Vic.

Sana raw, sina Vic at Pia na ang ikinasal kung hindi sa pang-aagaw ni Pauleen.

Hindi ito pinalampas ni Pauleen.

Depensa ng actress-TV host, may asawa na si Pia nang magsimula silang mag-date ni Vic.

Kinontra rin niya ang sinabi ng basher na nakakaawa si Pia dahil masaya ito sa buhay niya ngayon.

Nag-comment pa uli ang basher at pati raw theme song noon nina Vic at Pia ay inagaw ni Pauleen.

Inulit ng basher na nakakaawa si Pia sa pang-aagaw ni Pauleen sa kanya.

 Sagot ni Pauleen: “Ikaw ang nakakaawa. We're happy with our lives. Ikaw din sana.”

Pinayuhan naman ng followers ni Pauleen na huwag na lang pansinin ang basher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN