Joyce Bernal confirms Alden Richards to star in My Love From The Star

Joyce Bernal does not know yet who will be paired with Alden Richards in the local version of the hit Koreanovela My Love From The Star, but she hopes it will be Maine Mendoza. "Tried and tested na kasi ang tambalan nila. Hintayin na lang natin kung sino ang magiging leading lady," says Direk Joyce.


Kinumpirma ng direktor na si Joyce Bernal na ang susunod niyang proyekto sa GMA Network ay ang Pinoy version ng hit Koreanovela na My Love From The Star.

Kinumpirma rin ng direktor na ang gaganap sa male lead role ay ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Sa original Korean drama series, ang gumanap na Matteo Do ay ang global superstar na si Kim Soo Hyun.

Pahayag ni Direk Joyce, “Excited akong simulan itong My Love From The Star.

“Napanood ko yun, e, maganda ang story at bagay kay Alden yung lead character.

“Akala ko makakapagbakasyon ako after That’s My Amboy.

“Pero ibinigay nila sa akin agad itong project for Alden.

“Okey lang, kasi I always look forward na makatrabaho ulit si Alden.” diin pa niya.

Third time na raw na maididirek ni Direk Joyce si Alden. Una sa pelikulang 10,000 Hours at pangalawa sa Eat Bulaga! Lenten special na God Gave Me You.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joyce sa taping ng That’s My Amboy noong Lunes, April 18, sa Fisher Mall in Quezon City.

CAN’T GET STARTED. Hindi pa raw alam ni Direk Joyce kung kailan sila magsisimulang mag-taping para sa My Love From The Star.

Priority raw kasi ni Alden ang pelikula nila ni Maine Mendoza para sa first anniversary ng love team nila na AlDub sa July.

Ayon sa lady director, “Gusto na nilang simulan ko ang post-production.

“Pero yung taping with Alden, wala pa yata silang mabigay.

“Uunahin yata tapusin muna ang movie nila ni Maine.

“Kaya maghihintay lang ako kung kailan available si Alden.

“Kasi aside sa movie, may Eat Bulaga! pa siya from Monday to Saturday

“May mga shows pa siya abroad… hindi masyadong busy ang batang ‘yon.

“Walang ginagawa! Hindi busy!” natatawang biro pa ni Direk Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRIED AND TESTED. Clueless din daw si Direk Joyce kung sino ang magiging leading lady ni Alden sa My Love From The Star.

“Hindi pa nila sinasabi sa akin kung sino ang magiging leading lady.

“Okey sana kung si Maine, di ba?

“Tried and tested na kasi ang tambalan nila.

“Pero may movie na kasi silang gagawin, ‘di ba?

“Sila naman ang magde-decide, e.

“Hintayin na lang natin kung sino ang magiging leading lady.”

Ang My Love From The Star ang pagbabalik ni Alden sa isang primetime teleserye.

Huling pinagbidahan niyang teleserye ay ang Ilustrado noong 2014 pa.

Pero nagkaroon naman ito ng guesting sa Pari ‘Koy at sa That’s My Amboy as himself.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN