Louise delos Reyes admits feeling uneasy around ex-boyfriend Enzo Pineda

Louise de los Reyes: "Love life ko? I don't wanna talk about it, ayoko talagang pag-usapan. Ngayon po kasi, I'm more on discovering what I can offer to other people, na I can write. I can take photos. Marami pa na puwedeng ma-discover kay Louise rather than ma-discover kung ano yung love life ko."


Katatapos lang ni Louise delos Reyes ang pelikulang Hermano Puli kung saan kasama niya ang ex-boyfriend niyang si Enzo Pineda at ang na-link sa kanyang si Aljur Abrenica.

Kumusta silang tatlo?

“Okay naman po,” maikling tugon ng Kapuso actress.

Sa shooting nila, okay sila?

“Opo!” bulalas ni Louise.

May isyung hindi raw siya binabati ni Enzo, pero ang ina ni Louise ay binabati raw ng Kapuso actor.

“Binabati ko siya!” at tumawa si Louise.

So, hindi nga siya binabati ni Enzo?

“Pero okay naman po kami,” diin ng dalaga.

Kahit hindi siya binabati ni Enzo?

“Hindi, minsan po kasi hindi maiiwasan… magkasama kasi kami sa tent.

“Kunyari, andiyan yung pagkain, ‘Gusto mo ng pagkain, gusto mo ng ganyan?’

“Tinatanong ko siya, minsan siya naman ang magtatanong sa akin, ‘Gusto mong kumain?’

“Kinakausap naman niya ako.”

Pero walang mahabang usapan o kuwentuhan?

“Wala naman.”

So, maaaring sabihin na may ilangan pa sila ni Enzo hanggang ngayon?

“Siguro po it’s inevitable naman.”

Sila ni Aljur, kumusta?

“Okay naman po kami.”

Mas close sila ni Aljur kaysa sila ni Enzo?

“Opo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa pictorial ng Magkaibang Mundo, ang fantaserye na pagbibidahan nila ni Juancho Trivino.

NEXT QUESTION. Kumusta naman ang love life ni Louise?

“Love life ko? Ayoko munang pag-usapan!” at muling tumawa ang Kapuso actress.

Dagdag pa niya, “Masaya naman po ako, pero I don’t wanna talk about it. Ayoko talagang pag-usapan.”

Pero masaya naman siya?

“Opo, masaya po ako.

“Masaya naman po ako, sa dami-dami ng nagiging blessings din sa akin.

“And ang dami kong responsibilities, iyon yung inaalala ko as of now.

“So. iyon yung least na pag-uusapan,” pagtukoy ni Louise sa kanyang love life.

Dahil ba sa nakaraang pakikipagrelasyon niya kaya nagdesisyon si Louise na gawing pribado ang love life niya this time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, gusto ko rin po talaga na mas makilala ako ng mga tao.

“More than my love life or more than me being an artista.

“Parang I want to reach out to my supporters and kung sinumang interesado na I have a lot to offer.”

NEW LOUISE. Kasama ba iyon sa branding na gusto niya para sa sarili niya this year?

Sagot ni Louise, “Siguro po, in a way, iyon yung gusto ko naman.

“Kasi, parang for like four years na nandito ako sa GMA, taken ako, so I’m very vocal about it.

“Na parang natatakpan niya yung mga dapat… yung ibang puwede ko pang gawin or puwede kong sabihin na ginagawa ko.

“So, ngayon po kasi, I’m more on discovering what I can offer to other people, na I can write.”

May blog si Louise, ang loudelosreyes.com, at “I can take photos,” sabi pa niya.

Dagdag ng Kapuso actress, “Parang marami pa na puwedeng ma-discover kay Louise rather than ma-discover kung ano yung love life ko.”

Hindi naman daw nahihirapan si Louise na mamuhay mag-isa sa condo unit niya. Ni wala raw siyang kasamang kasambahay.

Kuwento niya, “Yung laundry po, medyo madali, kasi may mga laundry shop.

“Pero naisip ko rin na yung gastos po sa laundry shop, ilang sabon na rin yun.

“Ilang buwan ko na ring magagamit!

“So, iyon na po ang mga naiisip ko ngayon.

“’Tapos yung pagluluto po, nag-uumpisa na po akong magluto on my own.

“Proud ako na nakakapagprito na ako.

“Pritong itlog, hotdog at tosino!”

May alaga pang aso si Louise.

“Para din akong may anak! Gigisingin niya ako ng mga siguro eight a.m., ‘Hoy, pakainin mo na ako, tao ka!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN