Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach immortalized in PHLPost stamp

Ikinagagalak ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na naihanay siya sa Living Legends ng Philippine Postal Corporation (PHLPost). Nauna nang ginawaran ng sarili nilang stamps sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margie Moran, Pambansang Kamao Manny "Pacman" Pacquiao, at Miss World 2013 Megan Young.


Isang malaking karangalan para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na maihilera sa 'living legends' na nabigyan ng kanilang sariling stamps ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Nitong nakaraang Lunes, April 18, iginawad nnina Postmaster General Joel Otarra at PHLPost APMG for Marketing Luis Carlos kay Pia ang kanyang naka-frame na commemorative stamp sa Novotel Hotel, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

ROSTER OF LIVING LEGENDS. Panglima si Pia na nagawaran ng PHLPost ng mga personalized commemorative stamp na buhay pa at nagbigay ng karangalan sa bansa.

Nauna na sa kanya sina 1969 Miss Universe Gloria  Diaz, 1973 Miss Universe Margie Moran, Pambansang Kamao Manny "Pacman" Pacquiao, at 2013 Miss World Megan Young.

Ayon kay Pia, bihirang magbigay ng stamp ang PHLPost kaya nagpapasalamat siya sa mga ito na binigyan ng halaga ang kanyang naging ambag sa Pilipinas bilang Miss Universe 2015.

Mensahe pa niya, “What an honor it is to join the roster of PHLpost's Living Legends.

“As a little background story, posts are very seldom awarded to those who are still living, which means they have seen me as someone who is worthy of this honor and who has brought pride to the Filipino community.

“Thank you for this!”

Mabibili na ang mga stamp ni Pia sa PHLPost office sa buong bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN