Did Kris Aquino really use presidential chopper for LP campaign sortie?

Other photos reveal that Kris Aquino used the presidential chopper to join her brother, President Noynoy Aquino, in the inauguration of a solar power plant in Negros Occidental.


Habang tahimik pa ang kampo ni Kris Aquino sa mga lumabas na 'presidential chopper' photos niya, isang anggulo naman ang pinag-uusapan ngayon ng ilang netizens.

Sa naunang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), umani ng mga negatibong komento ang kumalat na mga larawan ng bunsong kapatid ni President Noynoy Aquino, na lulan diumano ng presidential chopper noong April 19.

Ang mga larawan ay na-post sa Facebook page ng Municipality of Dalaguete, Cebu, kung saan um-attend diumano ng campaign sortie ng Liberal Party si Kris.

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang paggamit ni Kris ng presidential chopper para sa pangangampanya diumano para sa mga kandidato ng Liberal Party na sina Mar Roxas at Leni Robredo.

Samantala, sa gitna ng isyung ito, nabura na sa Facebook page ng Dalaguete, Cebu, ang mga naturang larawan.

Read: Kris Aquino heavily criticized for allegedly using presidential choppers at LP sortie

THE OTHER STORY. Ayon sa ibang nakakita ng mga larawan, hindi sa Dalaguete, Cebu, kuha ang mga ito kundi sa San Carlos City, Negros Occidental.

Hindi rin daw campaign rally ang pinuntahan ni Kris kundi ang inauguration ng Solar Power Plant sa San Carlos Ecozone, sa Barangay Punao.

Ayon sa isang featured story sa website ng Pangulo, kasama ni PNoy si Kris sa ginanap na inauguration ng 59-megawatt Solar Power Plant sa Negros Occidental.

Narito naman ang mga opisyal na kuha ng Presidential Communications Operations Office na nai-post sa kanilang website:

Napag-alaman din ng PEP sa isang taga-Malacañang na ang schedule ni PNoy noong Martes, April 19, ay ang naturang inauguration event at meeting sa local leaders ng Cebu.

Kaugnay nito, maaaring sabihin na ang mga presidential chopper na nakita sa naunang viral photos ay para sa official business ni PNoy, kung saan nagkataong kasama niya ang bunsong kapatid na si Kris.

Samantala, sa artikulong inilabas ng memebuster.net, ipinaliwanag ang gamit ng mga helicopter na makikita sa viral photos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Regarding the choppers, two of those were decoys and the other two were private choppers.

“The first family sat ONLY on one of those and that’s a PSG protocol.

“From San Carlos, the choppers flew to Dalaguete and then the LP traveled on road to Argao, Cebu.

“President Aquino and Kris Aquino are allowed to use the choppers because the 250th (Presidential) Airlift Wing of the Philippine Air Force (PAF) has the mandate of providing safe and efficient air transport for the President of the Philippines and the First Family.

“On occasion, the wing has also been tasked to provide transportation for other members of government, visiting heads of state, and other state guests.”

Samantala, bukas ang PEP sa anumang pahayag mula kay Kris tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN