Daniel Padilla continues to learn as he turns 21 on April 26

Daniel Padilla on turning 21 years old: "Wala namang nagbago, pero tuluy-tuloy pa rin ang natutuhan ko. Every day, para sa akin, kailangan may natutuhan ka. Dapat hindi nai-stop ang learnings mo, knowledge mo sa buhay sa lahat ng paraan."


Sa April 26 ay ipagdiriwang na ni Daniel Padilla ang kanyang 21st birthday.

Ang edad na 21 ang sinasabing 'debut' ng mga lalaki; hudyat na tuluyan nang iiwan ng isang lalaki ang pagiging isang teenager at ngayon ay nasa legal na edad na.
   
Sabi ni Daniel tungkol dito, “Sabi nga nila, kailangan ko raw mag-debut-debut, kasi parang debut daw ng lalaki.

“Hindi ko nga maramdaman na twenty-one na ako, feeling ko bata pa rin ako.”

Ano ang plano niyang gawin sa kanyang birthday?

Ayon sa Kapamilya actor, “Siguro chill na lang ako, baka isupresa ako nila Ermat [Karla Estrada].

“Wala namang nagbago, pero tuluy-tuloy pa rin ang natutuhan ko.

“Every day, para sa akin, kailangan may natutuhan ka.

“Dapat hindi nai-stop ang learnings mo, knowledge mo sa buhay sa lahat ng paraan.”

Dagdag niyta, “Imagine, nagsimula ako [sa showbiz] nung fourteen yata ako.

“Heto, ang mga ito [his fans], sa simula pa lang, nandun na sila.

“Ngayon bente-uno na ako, magugulat ka na lang trenta na ako.

“Ang galing lang, sobrang thankful ako sa mga supporters ko.”

Noong Martes, April 19, pitong birthday celebrations ang pinuntahan ni Daniel.

Handog ito sa kanya lahat ng iba’t ibang grupo ng mga tagahanga niya, tulad ng Danielistaz.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng aktor sa pagmamahal at suporta na walang-sawang binibigay sa kanya ng mga tagahanga.

“Siyempre very happy ako dahil ang dami kong pupuntahan na supporters natin.

“Masaya, naghanda sila para sa akin. Very blessed.”

THANKFUL. Sa appreciation lunch ng Pangako Sa 'Yo ay pabirong nabanggit ni Daniel na isang motorbike ang gusto niyang matanggap na regalo mula sa kapareha at rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo.
  
Biro naman ni Daniel, “Wala pa nga yung motor ko, e!

“Paggising ko, tinitingnan ko na agad ang garahe ko, baka nandun na.

“Hindi, joke lang naman yun, baka lang kasi sumwak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka pumayag lang. Sinubukan ko lang.”

Sa isang banda, nabanggit ni Kathryn na gusto niyang makapagpatuloy ng pag-aaral si Daniel, tulad ng young actress na sa kabila ng busy sked ay tinatapos nito ang kursong Marketing.

Reaksiyon ni Daniel, “Oo naman, hindi naman ako tumitigil sa pag-aaral.

“Basta hintayin ninyo ang mga gagawin ko pa.

“Siguro Psychology saka Philosophy, very ano yung courses na 'yan.

“Di lang pang-academic, sa buhay din. Paano ang buhay mo and everything.

“So, okay siyang matutuhan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN