Ken Chan lets go of Destiny Rose character: "Nabitawan ko na!"

Ken Chan on his next role: "As much as possible, gusto ko na lalaking-lalaki talaga, malayo sa Destiny. Action kung puwede or puwede rin naman yung kakaibang role. Kasi, gusto ko rin yung role na napupunta sa akin yung kakaiba. Puwedeng may kapansanan… Kahit anong ibigay, tatanggapin ko, basta challenging."


Si Ken Chan ang hinirang na Most Promising Actor of the Year sa 47th Box Office Entertainment Awards na ginanap noong Linggo, April 17, sa Novotel, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang husay ni Ken para sa kanyang pagganap bilang transgender woman sa dating GMA afternoon soap na Destiny Rose.

Pahayag ng Kapuso actor, “Ang sarap ng feeling!

“Unang-unang award ko ‘to dahil sa Destiny Rose, at dahil sa Destiny Rose, napansin yung kakayahan ko.

“Sobrang masaya ako at sobrang natutuwa ako sa lahat ng mga tumulong sa akin para makarating ako rito.”

Inaalay raw ni Ken ang kanyang tropeyo sa yumao niyang manager na si German “Kuya Germs” Moreno. 

Saad niya, “Siya ang naging dahilan kung bakit napunta ako dito, kung bakit naabot ko ang mga pangarap ko.

“Talagang para sa kanya ang award na ‘to.”

SOUL SEARCHING. Bago matapos ang Destiny Rose, nabanggit ni Ken sa isang panayam na magbabakasyon at magso-soul searching muna siya upang alisin ang karakter ni Destiny Rose sa kanya.

Sa bansang Thailand daw niya balak pumunta.

Natuloy ba ang plano niyang yun?

Ayon kay Ken, “Hindi, after Destiny Rose, wala akong ginawa kundi... tinigil ko ang diet ko, nagpatubo ako ng bigote, nagdyi-gym na ako ngayon. 

“Lahat ng lifestyle ko, ibinalik ko after ng Destiny Rose.”

Nagpapalaki na siya ng katawan ngayon?

“Konti lang, konting pagpapalaki lang para mawalay lang dun sa Destiny Rose na image. 

“Hindi na rin naman pala kailangan ng soul searching. Tamang workouts, okey na.”

Nabitawan na niya ang dating karakter?

“Nabitawan ko na!” natatawang sabi ni Ken.

Aminado si Ken na hindi ganun kadaling i-let go ang ginampanan niyang karakter.

“Siguro after Destiny Rose, siguro sa loob ng one week, medyo nandoon pa siya dahil sa sobrang in-internalized ko. 

“Nakatulong sa akin ang pagdyi-gym, hindi ko pagda-diet, pagpapatubo ko ng bigote, nakatulong sa akin yun para mabalik ko yung image ko before, like si Ken Chan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT PROJECT. Sa ngayon, inaayos pa raw ang susunod niyang teleserye at umaasa si Ken na matuloy ito.

Hindi ba siya kinakabahan na baka mahirapan ang GMA Network na hanapan siya ng bagong karakter dahil sa matinding epekto ng pagganap niya bilang Destiny Rose?

Pahayag ni Ken, “Hindi naman po ako kinakabahan dahil alam ko naman na nandiyan naman ang GMA Network at Artist Center para tulungan ako.

“I think maaayos din naman ang lahat.

“Hindi magtatagal, yung mga maibibigay nilang mga projects sa akin ay mapag-uusapan naman namin nang maayos with my managers and GMA Network.”

Kung siya ang papipiliin, gusto ba niyang lalaking-lalaki naman siya sa susunod niyang role?

Sagot ni Ken, “As much as possible, gusto ko na lalaking-lalaki talaga, malayo sa Destiny

“Action kung puwede or puwede rin naman yung kakaibang role.

“Kasi, gusto ko rin yung role na napupunta sa akin yung kakaiba. Puwedeng may kapansanan…

“Kahit anong ibigay, tatanggapin ko, basta challenging.

“Gusto ko yung matsa-challenge ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN