Pauleen Luna's younger brother formally joins showbiz

Migz Luna: "Gusto ko ma-try lahat ng roles, kahit bakla, lalaki… kahit ano talaga. Gusto ko ma-try bida, kontrabida."


Pormal nang pinasok ng nakabatatang kapatid ni Pauleen Luna ang showbiz industry.

Si Miguel "Migz" Luna, 25, ang isa sa mga bagong contract star ng Viva Artists Agency (VAA).

Pumirma si Migz ng kontrata sa VAA ngayong hapon, April 21, kasama ang bagong Viva artists na sina Rainier Castillo, Mayton Eugenio, at Julian Trono.

Iniwan ni Migz ang kanyang trabaho bilang real-time analyst ng isang kompanya para subukan ang showbiz.

Matagal nang gusto ng ina ni Migz na mag-artista siya, pero pinili nitong magtapos ng dalawang kurso at tumulong sa kanilang family business.

Kuwento ni Migz, “Noong bata po ako, nagdadalawang-isip ako. Hindi ko alam kung bakit.

“Wala po nag-convince sa akin, parang gusto ko lang i-try.

“Yung mom ko, bata pa lang ako, gusto niya ako mag-artista, pero hindi niya ako pinilit dahil nag-aaral pa ako noon.

“Tuwang-tuwa naman po siya ngayon.”

Sabi pa ng newcomer, “Nag-decide ako na mag-artista simula po last year, nag-workshop ako, workshop nang paulit-ulit.

“Nag-guest na ako dati sa mga television show, puro bit roles lang, like Wattpad, parang medyo kontrabida; at sa ibang shows ng GMA-7, like Little Nanay.”

Ayon sa aspiring actor, suportado ni Pauleen ang pagpasok niya sa showbiz.

“Sabi niya sa akin, mahirap talaga sa simula.

“Matagal, pagtitiyagaan talaga, but gagaling naman kung aayusin.”

Sabi pa ni Migz, “Gusto ko ma-try lahat ng roles, kahit bakla, lalaki… kahit ano talaga.

“Gusto ko ma-try bida, kontrabida.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN