Matteo Guidicelli quashes live-in and engagement rumors anew

Mariin pa ring pinabulaanan ni Matteo Guidicelli na engaged na sila ng nobyang si Sarah Geronimo. Itinanggi rin ng Kapamilya actor na nagsasama na sila sa iisang bahay ni Sarah.

 


Madalas nang makitang magkasama sa mga pampublikong lugar ang magkasintahang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Noong March 23, magkasama silang dumalo sa kasal ng isang kaibigan.

Noong March 26, lumipad si Sarah patungong Cebu upang dumalo sa birthday ni Matteo at sumama na rin sa opening ng bago nitong restaurant business doon.

Nito namang April 14, magkasama ang dalawa sa 3rd International Balloon Festival na ginanap sa Pradera Verde, Prado Siongco, Lubao, Pampanga.

Read: Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli experience Hot Air Balloon Ride

Kumusta naman ang date nila ng girlfriend?

Sabi ni Matteo, “It was nice. It was fun.”

May isini-celebrate ba sila noong araw na yun kaugnay sa kanilang relasyon?

Tugon ng Dolce Amore actor, “No, no. We just went.

“It was a free day, I blocked off because tuluy-tuloy ang taping namin araw-araw.

“So, I needed something to relax.

“So, yun, we went to hot air balloon show.”

Kagabi naman, April 20, spotted ang magkasintahan sa Bonifacio High Street sa Taguig City.

Bakit palagi na silang magkakasama sa mga lakad ngayon?

Ayon kay Matteo, “Kapag may time, kapag may time.

“Ngayon, sobrang busy, as in araw-araw yung trabaho. Pero it’s good busy.

“So, whenever we have time, we see each other.”

Paano niya napapayag sina Mommy Divine at Daddy Delfin na maisama si Sarah nang wala itong chaperone?

Natatawang sagot ng 26-year-old actor, “Hindi ko alam! Ano bang next question natin diyan?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa presscon ng Single/Single Season 2 sa 14th floor ng ELJ building sa ABS-CBN compound, ngayong Huwebes, April 21.

“WE’RE PUBLIC.” Sa bawat lakad nila, may mga kumakalat agad na larawan nilang dalawa sa social media. Tuloy, napagdudahang ginagamit diumano ni Matteo ang girlfriend.

Sa kampo ba niya galing ang mga larawang kumakalat sa social media tuwing sila’y nagdi-date?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggi ni Matteo, “You know, we’re public property.

“We’re public people, di ba, so whenever we go out, people will take pictures.

“So, that’s really ridiculous if that’s coming from my camp.”

Ano kaya ang naging reaksiyon ng pamilya ni Sarah dito?  

Sagot ni Matteo, “I don’t know. I really don’t know what their reaction, ask them.”

Tanong ng PEP kay Matteo: Okey na ba sila ng mga magulang ni Sarah?

Nakangiting sagot niya, “Okay naman, we’re working on it.”

“WE’RE NOT LIVING IN…” Hanggang ngayon, hindi pa rin mamatay-matay ang isyung nagli-live in na sina Matteo at Sarah.

Pero pagtanggi muli ni Matteo, “Nothing. It’s all rumors, you know.

“Everything is fine, everything is safe and everything is good.

“No, we’re not living in together. It’s not true.”

May nakapagsabi namang lagi diumanong nakikita si Sarah sa bahay nila sa Ayala, Alabang.

Natatawang sagot ni Matteo, “Ganun? May CCTV ba?”

Tanong naman ng isang reporter: Palagi ka din daw sa condo ni Sarah?

Patanong ding sagot ni Matteo: “May condo ba siya?”

NOT ENGAGED. Ilang linggo na ang nakararaan, may kumalat sa social media na diumano'y post ng pinsan niyang taga-Cebu na nagsasabing engaged na sina Matteo at Sarah.

Natatawang biro ni Matteo, tatawagan daw niya ang pinsan pagkatapos ng presscon.

Pero seryoso niyang dagdag, “No, that’s not true.

“No, there were rumors that came out, that we were engaged, and people were texting me, ‘Congratulations.’

“But no, no, no, we’re not engaged.”

“Secret,” naman ang naging sagot ni Matteo sa tanong kung totoo bang sinamahan niya si Sarah na bumili ng bagong Lexus car.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN