Matteo Guidicelli on relationship with Sarah Geronimo: "Everything is levelling up the right way."

Nag-iipon na raw si Matteo Guidicellli para sa future. Para sa girlfriend na si Sarah Geronimo din ba ito? Sabi ng Kapamilya actor, "Para sa future ko and whoever, you know, yung partner ko."


Masasabing masaya at open na sa publiko ang relasyon ni Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo.

Sa tingin ba ni Matteo ay handa na silang magpakasal ng nobya?

Sagot ng 26-year-old Kapamilya actor, “We’ll see.

“I don’t wanna jump on anything. If it will happen, it will happen.

“I’m praying that things will go well, di ba? So, we’ll see.”

Nakikita ba niya ang sarili na tumanda kapiling ang Popstar Princess?

“I hope. I’m trying to envision the good stuff for the future, so we’ll see.”

Napag-uusapan na ba nila ang pagpapakasal?

Napaisip muna si Matteo bago sumagot.

Pahayag niya, “Minsan, minsan... but, you know, we still have a lot to do for ourselves, di ba? For myself, for herself.”

Napabalita ring hindi na kasama si Sarah sa bagong season ng The Voice Kids Philippines dahil gusto raw nitong mag-lie low sa kanyang career upang mapaghandaan ang pag-aasawa. Totoo ba ito?

Tugon ng Dolce Amore actor, “I don’t know, you should ask her.”

Dagdag pa niya, hindi nila napag-uusapan ang trabaho kapag silang dalawa ay magkasama.

Nauna na ring itinanggi ni Matteo na nagli-live in na sila ni Sarah. Hindi pa rin daw sila engaged.

Read: Matteo Guidicelli quashes live-in and engagement rumors anew

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Matteo sa presscon ng Single/Single Season 2, nitong Huwebes, April 21, sa 14th floor ng ELJ building ng ABS-CBN.

SAVING FOR THEIR MARRIAGE? Ngayon daw ay unti-unti nang pinag-iipunan ni Matteo ang kanyang kinabukasan.

Saad niya, “Siyempre naman, we wanna invest for the future, di ba?

“We're gonna save today for the future.

“Kumbaga, we should be smart on what we have and all these blessings because, you know, showbiz industry, it’s a hard tough job.

“And then we have to be smart with our earnings and invest property, because we don’t want the day to come na wala, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Sarah?

Natatawang sagot ni Matteo, “Hindi naman! Para sa future ko and whoever, you know, yung partner ko. So, we’ll see.”

Hindi ba siya naiinip na maghintay?

Ayon kay Matteo, “Everything is really well and everything is leveling up the right way, kumbaga.”

Natawa lang din ito sa tanong kung ngayong taon na ba siya magpo-propose sa girlfriend.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN