Shaina Magdayao on John Lloyd-Angelica breakup: "Mahirap nang makisawsaw sa buhay ng ibang tao."

Mas pinili ni Shaina Magdayao na huwag nang magsalita tungkol sa hiwalayan nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Rason niya, "Dapat wala rin akong say dun because that's totally out of my world."


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaina Magdayao kung ano ang reaksiyon niya ngayong hindi pa rin mamatay-matay ang balitang may relasyon na diumano ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz at ang best friend niyang si Bea Alonzo.

Ito ay matapos ang breakup nina John Lloyd at Angelica Panganiban, at ni Bea sa dati nitong nobyo na si Zanjoe Marudo.

Gulat na sagot ng Kapamilya actress, “Reaksiyon ko? Dapat pa ba akong mag-react to begin with?

“No, I don’t see my friends now. I don’t think kailangan kong mag-react.

“That’s totally out of the environment kung saan ako gumagalaw ngayon.

“And it’s actually none of my business.

“Pag-usapan na lang natin yung mga mas magagandang bagay.”

Ano naman ang masasabi niya ngayong hiwalay na sina John Lloyd at Angelica?

Diin ni Shaina, “Again, dapat wala rin akong say dun because that’s totally out of my world.

“Until now, hindi ko alam... is it even confirmed?’”

Confirmed na, tugon namin kay Shaina.

Sabi naman niya, “A, okay. Hindi ko alam, e.

“Kasi hindi ako nagsasalita sa mga things na hindi ko naman alam to begin with.

“Mahirap nang makisawsaw sa buhay ng ibang tao.

“The same way na I don’t want him to do that to me also.

“So, magkaibang mundo kami ngayon, magkaibang mundo ang ginagalawan namin.

“So, ayoko nang mag-comment.”

Pero ayon kay Shaina, magkaibigan na sila ngayon ng ex-boyfriend.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Shaina sa presscon ng Single/Single Season 2, ngayong Huwebes, April 21, sa 14th floor ng ELJ building ng ABS-CBN.

ANGELICA PANGANIBAN. Noong April 2012 naghiwalay sina Shaina at John Lloyd, pero hindi nila sinabi kung ano ang totoong dahilan ng hiwalayan.

Read: Shaina Magdayao confirms breakup with John Lloyd Cruz; says reason is 'purely between John Lloyd and myself'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkalipas ng ilang buwan, lumutang ang balitang nagkakamabutihan na sina John Lloyd at Angelica.

Bago magtapos ang taong 2012, kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon.

Pero nitong nakaraang Enero 2016, naghiwalay na rin sila matapos ang lagpas tatlong taong samahan.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

Tinanong ng PEP si Shaina kung naging magkaibigan ba sila ni Angelica, na kapwa niya talent ng Star Magic.

Umiling siya at sinabing, “I guess I’m okay with everybody.

“We’re not close to begin with.

“But, you know, life is short, marami nang namamatay ngayon.

“Bakit ka pa ba gagawa ng friction with any other individual?

“You know, I’m just here sa showbiz, sa mundong ito, to work.

“And that’s it. Nothing else.

“Lahat naman ‘tong ginagawa ko is just work, and my life, my personal life is bigger than this world.

“So, siguro ito lang kasi ang exposed sa inyo.

“But andami pa kasing nangyayari na magada sa buhay ko, but outside of show business.

“Yun, parang malayo, hindi ko siya naku-connect, e, kung saan ako right now.”

RECONCILIATION WITH JOHN LLOYD? Posible kayang magkabalikan sila ni John Lloyd?

Sagot ng 26-year-old actress, “They asked me nga that, e, kanina.

“Pero ano yun, e, take yun ng ibang tao, e.

“I will never have any control with the way other people would like to think, or how they would like things to happen.

“But at the end of the day, I think ang nagma-matter lang sa akin is how I really feel.”

So, wala nang posibilidad na magkabalikan pa sila?

Pahayag ni Shaina, “Wala naman talagang nangyayari sa ngayon and it's very far from my world.

“I guess my world is really big, but the industry is very small.

“And it’s not naman… ano ba, four years na ang nakalipas, it’s not naman new na we bumped into each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkatrabaho din naman kami sa Nathaniel.”

Dagdag pa niya, “I think mas importante na I’m okay.

“Na I’m okay with them, we’re okay.

“We say hi to each other and I think yun lang yun. Nothing more, nothing less.”

Masaya ba si Shaina sa pagiging single niya sa loob ng apat na taon?

Sagot ng aktres, “Yeah. But it doesn’t really…

“Wala pa ring konek yung pagiging happy ko as a single person sa kanila, di ba?

“Parang malayo pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN