StarStruck alumnus Rainier Castillo returns to showbiz, signs up with VAA

Rainier Castillo, who began his showbiz career via GMA Network's StarStruck, signed a three-year contract with Viva Artists Agency (VAA).


Three-year contract ang pinirmahan ng nagbabalik-showbiz na si Rainier Castillo sa Viva Artists Agency (VAA) kahapon, April 21.

Si Rainier ang First Prince sa unang batch ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck; kung saan din galing sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Katrina Halili, Sheena Halili, Dion Ignacio, at Cristine Reyes.

Dalawang taong inactive sa showbiz si Rainier, pero hindi raw siya nawawalan ng mga television guesting at out-of-town shows.

Sa tuwing nagpupunta si Rainier sa mga mall, nakikilala pa rin daw siya ng mga tao na lumalapit sa kanya at humihiling ng photo-op.

Nagkaroon ng katuparan ang pagpirma ni Rainier ng kontrata sa VAA dahil sa tulong ng dance choreographer na si Geleen Eugenio, na nilapitan niya at nagdala sa kanya sa Viva Films.

(Rainier Castillo with VAA head Veronique del Rosario at his contract signing yesterday, April 21)

Sabi ni Rainier, “Na-miss ko yung showbiz.

“From GMA-7, lumipat ako sa TV5.

“Nagbago ng management, nung natapos ang contract ko, hindi ko agad napa-renew.

“Nung ipapa-renew na, nagbago na ng management.

“Nag-text ako kay Tita Geleen Eugeno, sabi niya, ‘Sige, meet tayo.’”

Hindi man siya active sa showbiz, may pinagkaabalahan si Rainier — ang rice field niya sa Palawan at pakikipagsosyo sa heavy equipment business.

Sa edad na 30, malayo pa raw sa isip  ni Rainier ang mag-asawa.

Sabi niya, “Wala pa ako plano na mag-asawa pero very supportive ang girlfriend ko. Kasama ko nga siya ngayon.”

Inamin ni Rainier na naninibago at nagiging mahiyain uli siya ngayong nagbabalik-showbiz ulit siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN