Aiza Seguerra slams PNoy on Kidapawan clash: "Ang kapal naman po ng mukha ninyo."

Hindi na napigilan ng singer na si Aiza Seguerra ang kanyang galit kay Pangulong Noynoy Aquino dahil sa pagtanggol nito sa mga pulis ng Kidapawan na sangkot sa madugong dispersal ng mga magsasaka noong April 1. Sabi pa niya, "Sana po, magutom po kayo ng ilang buwan."


Isa si Aiza Seguerra sa masugid na sumusubaybay sa imbestigasyon sa nangyaring madugong dispersal sa mga magsasaka na nag-rally sa Kidapawan, North Cotabato, noong April 1.

Kahapon, April 21, ginanap ang pangalawang senate hearing kaugnay ng kasong ito.

Sa Maynila na ito idinaos upang makarating ang mga namumuno ng mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman upang matugunan ang gutom na nararamdaman ng mga magsasaka sa Kidapawan.

Personal na nagtungo sa Senado si Aiza, kasama ang partner si Liza Diño, upang saksihan ang pagdinig.

Pagkatapos nito ay kaagad nag-post si Aiza sa Instagram ng kanyang pagkadismaya sa naging takbo ng pagdinig dahil wala man lang ni isa sa mga secretary ng ahensiya ng gobyerno na dumalo.

Lahad niya, “Nagpunta kami sa senado kanina para magbigay ng suporta sa ating mga magsasaka sa ikalawang senate hearing para sa Kidapawan clash.

“Nagdesisyon ang senate committee na dito na gawin sa Maynila ang hearing para makarating ang mga secretaries ng DA, DSWD, DBM, DILG.

“Lumipad galing Mindanao sina Lola Berden, ang ama ng namatay na magsasaka na si Darwin Sulang, at iba pang survivors ng Kidapawan clash.

“Nung nag-roll call na, wala ni isa sa mga secretaries ng mga departamentong involved sa issue ang dumating.

“Lahat may excuse. Lahat may ibang MAS importanteng gagawin kesa ang mabigyan ng linaw at solusyon kung bakit hindi natugunan ang hinaing ng mga magsasakang makakuha ng bigas at ang nangyaring marahas na dispersal sa Kidapawan na ikinamatay ng 2 tao.

“Hindi na ako magpapaka teknikal pero sa pagkakaintindi ko, may enough money ang national government at enough rice ang NFA para matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.

“Kung bakit hindi ito nakarating sa ating magsasaka, yun ang kailangan masagot.”

“WOW… PALAKPAKAN...” Kasunod na ibinahagi ng singer ang tungkol sa pagtatanong ng mga senador sa pamunuan ng pulisya ng Kidapawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sumunod na tinanong ang mga pulis. Nung unang hearing, sinabi nila na nagpaputok sila ng warning shots.

“Sa version nila ng katotohanan kanina, hindi daw sila nagpaputok dahil labag daw ito sa batas.

“Ayon sa SOCO, sa 30 na armed police na kasama sa tactical unit, 16 ang positive sa paraffin test.

“Nagsagawa din ng sariling autopsy si Dr. Raquel Fortun para sa defense.

“Since hindi nagbigay ng permission ang family ng isang farmer for autopsy, external examination (hindi ko alam yung term) lang ang nagawa ni Dr. Fortun.

“Nakita niya ang penetrating gunshot wound na pumasok sa tagiliran at bumukol sa kabila.

“Kay Darwin Sulang naman, gunshot wound to the head ang kanyang ikinamatay.

“Sabi ng SOCO, bala ng M-16 ang tumama sa kanya pero nung nag ballistic test daw sila, hindi daw galing sa baril ng pulis ang balang tumama kay Darwin.

“Nang tinanong ng mga senador ang PNP kung sino ang bumaril kay Darwin, ang sagot nila ay isa daw sa mga farmers ang bumaril. (Sorry kailangan ko lang magmura. Tangna lang talaga! Wow! Ibang klase. Palakpakan!!!).”

Nagpunta kami sa senado kanina para magbigay ng suporta sa ating mga magsasaka sa ikalawang senate hearing para sa Kidapawan clash. Nag desisyon ang senate committee na dito na gawin sa Maynila ang hearing para makarating ang mga secretaries ng DA, DSWD, DBM, DILG. Lumipad galing Mindanao sina Lola Berden, ang ama ng namatay na magsasaka na si Darwin Sulang at iba pang survivors ng Kidapawan clash. Nung nag roll call na, wala ni isa sa mga secretaries ng mga departamentong involved sa issue ang dumating. Lahat may excuse. Lahat may ibang MAS importanteng gagawin kesa ang mabigyan ng linaw at solusyon kung bakit hindi natugunan ang hinaing ng mga magsasakang makakuha ng bigas at ang nangyaring marahas na dispersal sa Kidapawan na ikinamatay ng 2 tao. Hindi na ako magpapaka teknikal pero sa pagkakaintindi ko, may enough money ang national government at enough rice ang nfa para matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka. Kung bakit hindi ito nakarating sa ating magsasaka, yun ang kailangan masagot. Sumunod na tinanong ang mga pulis. Nung unang hearing, sinabi nila na nagpaputok sila ng warning shots. Sa version nila ng katotohanan kanina, hindi daw sila nagpaputok dahil labag daw ito sa batas. Ayon sa SOCO, sa 30 na armed police na kasama sa tactical unit, 16 ang positive sa paraffin test. Nagsagawa din ng sariling autopsy si Dr. Raquel Fortun para sa defense. Since hindi nagbigay ng permission ang family ng isang farmer for autopsy, external examination (hindi ko alam yung term) lang ang nagawa ni Dr. Fortun. Nakita niya ang penetrating gunshot wound na pumasok sa tagiliran at bumukol sa kabila. Kay Darwin Sulang naman, gunshot wound to the head ang kanyang ikinamatay. Sabi ng SOCO, bala ng M-16 ang tumama sa kanya pero nung nag ballistic test daw sila, hindi daw galing sa baril ng pulis ang balang tumama kay Darwin. Nang tinanong ng mga senador ang PNP kung sino ang bumaril kay Darwin, ang sagot nila ay isa daw sa mga farmers ang bumaril. (Sorry kailangan ko lang magmura. Tangna lang talaga! Wow! Ibang klase. Palakpakan!!!). To be continued...

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@aizaseguerra) on

DISGUSTED. Present sa senate hearing ang tinanggal na North Cotabato Provincial Police Chief na si Senior Supt. Alexander Tagum.

Ayon sa kanya, siya ang nagbigay ng utos upang i-disperse ang rally ng mga magsasaka, pero hindi ang utos na magpaputok ng baril ang mga pulis na nakabantay sa rally.

Pagpapatuloy pa ni Aiza, “Nag-introduce sila ng witness, si Charlie Pasco, na siyang intelligence agent daw nila (ng Army ata) na nag penetrate sa ranks ng mga rallyista at kaibigan daw ng yumaong si Darwin Sulang na isa raw NPA (too bad, hindi na pwedeng mag testimonya si Darwin at i-refute ang akusasyon sa kanya.

“But Darwin's father denied knowing Charlie and Darwin's involvement with the NPA).

“Si Charlie daw ang nakakita na may mga baril ang mga magsasaka pero nung tinanong ang PNP kung bakit hindi nila inaresto ang mga magsasakang allegedly may baril, nalaman lang daw nila ang intelligence report na ito nung tapos na ang madugong dispersal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito ko na tatapusin ang post ko. I am disgusted by the PNP's and Tagum's blatant lies.

“I am disgusted by this government's non-action para sa plight ng mga magsasaka natin.

“We have more than enough resources para maibsan ang gutom ng mga magsasaka pero anong ginawa ninyo?

“Kung gusto may paraan. Kung ayaw, may dahilan.

“At wala kayong ginawa lahat kundi magdahilan, magturuan at magsisihan.”

Nag introduce sila ng witness, si Charlie Pasco, na siyang intelligence agent daw nila (ng Army ata) na nag penetrate sa ranks ng mga rallyista at kaibigan daw ng yumaong si Darwin Sulang na isa raw NPA (too bad, hindi na pwedeng mag testimonya si Darwin at i-refute ang akusasyon sa kanya. But Darwin's father denied knowing Charlie and Darwin's involvement with the NPA). Si Charlie daw ang nakakita na may mga baril ang mga magsasaka pero nung tinanong ang PNP kung bakit hindi nila inaresto ang mga magsasakang allegedly may baril, nalaman lang daw nila ang intelligence report na ito nung tapos na ang madugong dispersal. Dito ko na tatapusin ang post ko. I am disgusted by the PNP's and Tagum's blatant lies. I am disgusted by this government's non-action para sa plight ng mga magsasaka natin. We have more than enough resources para maibsan ang gutom ng mga magsasaka pero anong ginawa ninyo? Kung gusto may paraan. Kung ayaw, may dahilan. At wala kayong ginawa lahat kundi magdahilan, magturuan at magsisihan.

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@aizaseguerra) on

“GUTOM PO SILA, MR. PRESIDENT.” Sa kanyang Facebook post, tila hindi na napigilan ni Aiza ang galit sa gobyerno.

Ito ay sa kadahilanang ipinagtanggol pa raw ni President Noynoy Aquino ang mga miyembro ng pulisya sa Kidapawan at wala raw itong kasalanan sa nangyaring madugong dispersal.

Mensahe ni Aiza, “Mr. President, sana po maranasan ninyo ang lahat ng dinaranas ng mga magsasakang pumunta ron para humingi ng tulong sa gobyerno mo.

“Sana po, magutom po kayo ng ilang buwan. Yung tipong kahit ano pong gawin ninyo, wala po kayong mahanap o mabiling pagkain habang ang mga anak niyo po ay halos mamatay na sa gutom.

“Ang kapal naman po ng mukha ninyo para sabihing dahil lang sa pag-udyok ng mga organisasyon kaya naisipan ng mga magsasakang humingi ng tulong.

“Gutom po sila, Mr. President.

“Kahit po sinong tao, kapag gutom, gagawa po ng paraan para makakain. Mahirap po ba intindihin ito?

“O ayaw niyo lang po intidihin at sadyang wala po kayong pakialam?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN