Jasmine Curtis-Smith on rumored beau Jeff Ortega: "He's still under observation... nasa approval stage."

Is she happier now with her current flame than with her previous relationship? Jasmine Curtis-Smith says, "I don't want to compare. Iba-iba 'yan. The same thing can happen twice but it can never be the same."


Malinaw na agad kay Jasmine Curtis-Smith na ang love life niya ang tinutukoy nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung masaya siya ngayon.
 
“Happy, nakikita mo naman happy, ‘di ba?” nakangiting sabi ng TV5 actress sa ginanap ng press launch ng D5 Press Play sa Shangri-La The Fort, noong April 19.

Mas masaya siya ngayon?
 
Sagot ni Jasmine, “Uy, ako nga, I don’t want to compare!

“Alam mo, you should never compare something else to what you have now, kasi, iba ‘yan. Iba-iba ‘yan.
 
“Meron ngang sayings, it will never be the same.

“The same thing can happen twice but it can never be the same.”
 
Mas gusto niya ang period ng buhay niya ngayon?
 
Saad niya, “No, every step that I’ve taken so far has brought me to where I am.

“Maybe, there will be struggle din naman to this relationship, for sure, ayoko lang pangunahan.
 
“Siyempre, I’m still growing up, ang dami ko pang kailangang matutunan with things like relationship.

“So, every step of the way, whatever I learned from the past, I use it na lang here.
 
“I guess, that’s why I don’t have any negativities towards what happens before.

“I used it na lang as a tool para mas matalino na ako, I guess, mas aware.”

UNDER OBSERVATION. Ang sinasabing non-showbiz guy na karelasyon ngayon ni Jasmine ay si Jeff Ortega.
 
Tila boto naman sa bagong nali-link sa kanya ang pamilya ni Jasmine, partikular na ang kapatid niyang si Anne Curtis.
 
Sabi ni Jasmine, “I guess, ano naman, it was like that din naman before.

“I guess, may isa lang hindi na ano… ”
 
Na hindi masyadong boto?
 
“Oo, basta yun, alam niyo na naman yun!” natawa niyang sabi.
 
“Of course, hindi naman madali for new guy, for him to be welcome in my family also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s still under observation, kumbaga.

“Hindi naman agad-agad, okey na.
 
“Just because I’m posting picture with the family, it does not mean off the hook na siya with my sister or my parents.

“You know, looking at him and seeing him, okay talaga siya, but it will always be there.
 
“So, kahit na happy sila, for me, nakabantay pa rin ‘yan.

“Siyempre, nasa approval stage kung okey ba o hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN