Ombudsman Visayas to probe Kris Aquino's use of presidential chopper

Magsasagawa raw ng imbestigasyon ang Ombudsman Visayas hinggil sa paggamit diumano ni Kris Aquino ng presidential chopper para sa kampanya ng Liberal Party sa Cebu nitong nakaraang Martes, April 19. Mahigpit na ipinagbabawal sa election code ng Pilipinas ang paggamit ng makinarya ng gobyerno para ikampanya ang isang kandidato na tumatakbo sa halalan.


Paiimbestigahan daw ng Office of the Ombudsman Visayas ang balitang ginamit diumano ng presidential sister na si Kris Aquino ang presidential chopper sa kampanya ng Liberal Party (LP) sa Argao, Cebu, noong Martes, April 19.

Ayon sa ulat ng inquirer.net kahapon, April 21, sinabi ng spokesperson ng Ombudsman Visayas na si Atty. Ma. Corazon Naraja na pag-aaralan nila ang isyu na nakarating na rin sa kanilang tanggapan.

Kasalukuyan daw silang lumilikom ng mga ebidensiya tungkol dito at pag-aaralan nila ang mga isyung legal na nakapaloob dito.

Ayon pa kay Atty. Naraja, nakasaad sa Omnibus Election Code of the Philippines na bawal ang paggamit ng mga sasakyang pagmamay-ari ng gobyerno at iba pang government resources kapag panahon ng kampanya.

“Let me remind everyone that using government resources to promote the candidacy of any person is an election offense.”

Nalaman lamang daw ng kanilang tanggapan ang kontrobersiya sa pamamagitan ng mga balita sa media.

Magsasagawa raw sila ng kanilang imbestigasyon base sa mga makakalap nilang impormasyon mula sa media reports.

Read: Kris Aquino heavily criticized for allegedly using presidential choppers at LP sortie

Umalma naman si Kris tungkol sa pamba-bash na kanyang naranasan ngayon sa social media.

Read: Kris Aquino speaks up on presidential-chopper issue


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN