Liza Soberano on Enrique Gil: "He's my best friend... best among my closest friends."

To appease the LizQuen fans, Enrique Gil himself clarifies with partner Liza Soberano what she means by 'best friend,' "Iyong best friend na iyon ba yung pinaka-best sa lahat ng bestfriends mo?" "Oo!" Liza's quick answer.


Nakapagpaliwanag na si Liza Soberano sa pamamagitan ng sunud-sunod niyang posts sa Twitter tungkol sa isyung “na-bestfriend zone” niya diumano ang kanyang ka-love team na si Enrique Gil.

Ginawa ni Liza ang pagpapaliwanag matapos mag-react negatively ang ilang LizQuen fans.

Hindi nagustuhan ng mga ito ang pagtawag niya ng "best friend" sa kanyang Dolce Amore leading man.

Read: Liza Soberano bashed for calling Enrique Gil her 'best friend'

Ayon kay Liza, “Kasi parang hindi lang na-gets.

“He’s my best friend, sa lahat ng lalaking kilala ko, siya yung best among my closest friends.

“Why is it all of a sudden being a best friend is a bad thing?

“Siyempre kung gusto nila ng more, siyempre may pagdadaanan pa iyan.”

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sina Liza at Enrique Gil tungkol sa isyung ito sa set visit ng kanilang pinagbibidahang ABS-CBN primetime teleserye na Dolce Amore, noong April 21, sa Cornel Medical Center sa Antipolo.

Hindi naman daw ibig sabihin ni Liza ay “na-friend zone” na niya si Enrique.

Wala rin naman daw siyang sinabi na hanggang mag-best friend lang sila ng ka-love team.

“It’s not friend-zoning someone. It’s claiming someone to be your best friend.

“Pero it doesn’t mean it’s only till there.

“Iba yun pag sinabing best friend ko lang,” sabi pa ni Liza.

Singit na tanong ni Enrique kay Liza, “Eto na lang para klaro.

“Iyong best friend na iyon ba yung pinaka-best sa lahat ng best friends mo?”

“Oo!” tugon ni Liza.

“Yun naman pala,” tila nakampanteng sabi ni Enrique.
 
I LOVE YOU. Biniro sina Liza at Enrique na tila makatotohanan na ang pagsasabi nila ng “I love you” sa isa’t isa kahit pa in character sila bilang sina Serena at Tenten sa Dolce Amore.

Idinaan din sa biro ni Enrique ang reaksyon niya rito, “Ganun kami kagaling umarte! Hindi, joke!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ng aktor, “Siyempre, totoo talaga iyon.”

Nang binalingan naman si Liza at hiningan ng reaksyon, tila hindi pa handa ang young actress na sumagot sa “love questions.”

Tugon nga niya, “Wala, no reaction.”

Sa kanilang dalawa, si Enrique talaga ang mas open sa feelings niya para kay Liza.

Gayunpaman, ayaw naman daw niyang madaliin at i-pressure ang dalaga.

Sa ngayon, happy lang sila sa lahat ng nangyayari sa kanilang love team at sa pinagbibidahan nilang teleserye.

Excited na nga ang dalawa dahil magkakaroon sila ng Dolce Amore Destiny World Tour.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN