Louise delos Reyes done fighting back the AlDub bashers

Ipinaliwanag ni Louise delos Reyes kung bakit sinagot niya ang ilang AlDub fans na namba-bash sa kanya. Sabi ng Kapuso actress, "It came to the point na sobrang below the belt na talaga, na siyempre ako, hindi ko naman hahayaan na idamay pati buong pamilya ko at yung minamahal kong trabaho."


Ayon sa Kapuso actress na si Louise delos Reyes, hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang bina-bash ng ilang fans ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kamakailan lang ay sinagot na ni Louise ang matinding panlalait sa kanya ng mga ito, at tama na raw iyon.

Pahayag niya, “Sa akin kasi, I just have to let it out.

“Lahat ng ano na yun, kailangan ko lang sagutin sila.

“Yun lang yun. Tama na yun.

“I think that’s more than enough.”

Inamin ng Kapuso actress na sobra siyang nasaktan nang idinamay ang pamilya niya at pati ang kanyang trabaho.

“Siguro na lang, iba-iba lang ang take ng bawat artista sa mga bashers.

“It came to the point na sobrang below the belt na talaga, na siyempre ako, hindi ko naman hahayaan na idamay pati buong pamilya ko at yung minamahal kong trabaho.

“Hindi naman ako nagbubuhat ng bangko or anything. Parang they’re questioning about… yung parang pagiging artista ko.”

Sabi pa ni Louise, “I earned anything kung anuman yung nakukuha ko ngayon, e.

“For them to say that to me, hindi ko kayang tanggapin yun.

“Pati sa parents ko, like my mom, idinadamay nila na alam mo sobrang… hindi na dapat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa studio ng CelebriTV kahapon, April 21.

ALDEN RICHARDS. Hindi masagot nang diretso ni Louise kung naapektuhan ba ang friendship nila ni Alden Richards dahil dito.

Si Louise ang unang naging ka-love team ni Alden nang nagsisimula pa lamang ang aktor sa showbiz.

Ilang teleserye ang pinagtambalan nila na pawang pumatok sa mga manonood.

Ayon kay Louise, “I haven’t talked to him about it.

“Hindi naman kami nagkikita nang personal, e. Matagal na rin kaming hindi nagkita, e.”

Nung nagkausap sila ni Alden tungkol sa pamba-bash sa kanya, pinayuhan naman daw siya ng Pambansang Bae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The last na sinabi niya sa akin noon, huwag na lang pansinin yung mga bashers. Yun lang yun.”

Kaya kapag may mga tumitira pa rin sa kanya ngayon, hindi na lang daw ito pinapansin ni Louise.

Nasagot na raw niya ang mga ito at naipagtanggol naman niya ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya. Tama na raw yun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN