Julia Montes on relationship status with Coco Martin: "Hindi po babae ang dapat sasagot."

Julia Montes on continuous relationship with Coco Martin: "Siguro kasi iba talaga nag-start 'yong relationship namin. 'Yong foundation talaga is strong."


“E, focus po muna ako...”

Ito ang paiwas na sagot ni Julia Montes sa mga tanong ng entertainment press tungkol sa kanila ng dating onscreen partner na si Coco Martin.

Noon pa man ay nali-link na sa isa't isa ang kapwa Kapamilya stars. Subalit hanggang ngayon ay tikom ang bibig nilang dalawa sa kung ano na talaga ang estado ng relasyon nila.

Sa press conference ng ABS-CBN afternoon soap na Doble Kara kahapon, April 22, muli na namang nausisa si Julia tungkol dito.

Ngunit panay ngiti at maiiksing sagot lang ang naibigay ng 21-year-old actress.

Natatawa pa niyang sinabi, “Busy po kasi ako! Hindi ko nga po alam kung pag-uwi ko kung Kara ba ako o Sara. So, doon po muna ako magpo-focus ngayon.”

Pero nang tanungin kung bakit tila hindi nawawala ang intrigang may namamagitan sa kanilang dalawa ni Coco, tila nagbigay ng clue si Julia sa kanyang sagot.

Muli siyang ngumiti at sinabing, “Hindi po babae ang dapat sasagot... At saka yun nga, busy pa po ako.”

Medyo nahirapan si @montesjulia08 nang tanungin tungkol kay Coco Martin. Why kaya?

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Sa hiwalay na panayam kay Julia, hindi pa rin siya nakaligtas sa reporters tungkol sa isyung ito.

Nang diretsahang tanungin kung may romatic relationship na sila ng FPJ's Ang Probinsyano star, muling napangiti si Julia.

“Grabe naman po ang mga tanong ninyo!” bulalas niya.

Dagdag pa ni Julia, “May communication pa rin naman po, hindi naman nawala 'yon.

Super iba lang ang communication namin ngayon.”

Ayon kay Julia, may usapan naman sila ni Coco sa kung anong relasyon ang mayroon sila.

Lahat naman ng bagay hindi minamadali, in time,” aniya.

Gayunman, natutuwa si Julia na kahit hindi na madalas nagkakasama sa trabaho ay nananatili ang pagiging malapit nila ni Coco.

“Siguro kasi iba talaga nag-start yung relationship namin. Yung foundation talaga is strong.”

Hindi rin niya ikinaila na halos nakita na ni Coco ang pagdadalaga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siguro lahat ng blessings na dumating sa akin, lahat ng mature roles ko, siya na talaga ang kasama ko.

Siya rin talaga ang isa sa mga tumulong sa akin, ito kung ano po ang naibibigay ko ngayon,” pahayag ni Julia.

Nakikita na niya ang kanyang kinabukasan kasama si Coco?

Sagot ng Doble Kara star, “Nakakaloka ang mga tanong!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN