Regine Velasquez hits back at Duterte supporters who bashed her for her "rape is not a joke" post

Regine Velasquez posts on Instagram her opinion about Rodrigo Duterte's rape joke.

She wrote, "In my mind and in my heart, we should be sensitive about joking about this issue because many have suffered because of rape." 


Binatikos si Regine Velasquez ng mga tagasuporta ng presidential candidate at Davao City mayor na si Rodrigo "Rody" Duterte.

Ito ay matapos na maglabas ng kanyang opinyon ang Songbird tungkol sa viral video ni Duterte kunsaan nabanggit ang pagkaka-rape at pagkakapatay ng isang babaeng Australian missionary.

Watch: VIRAL: Rodrigo Duterte jokes about Australian rape victim

Noong April 17, nag-post sa Instagram ang Poor Señorita lead star ng isang quote: “Rape is not a joke.”

Caption niya rito: “Kelan pa po ba naging joke Ito?

“In my mind and in my heart, we should be sensitive about joking about this issue because many have suffered because of rape.

“It is a serious issue. Not a joking matter. #respetolangpo”

Pagkatapos ng post na ito ay nagsimula nang umalma ang supporters ni Duterte. Kasama ng pagtatanggol sa kanilang presidential bet ay ang pag-atake rin ng ilan kay Regine.

  

Dahil dito, hindi na napigilan ni Regine na ipagtanggol ang sarili laban sa masasakit na salitang ibinabato sa kanya.

Aniya, “Let me get this right, for you guys are mad at me for saying RAPE IS NOT A JOKE???!!!!

“You can vote for who you want to vote for.

“This is my opinion!!!!This is my IG!!!! I’m not trying to convince you to vote for who I’m voting for.

“May Karapatan akong magbigay ng opinion ko bilang mamamayan ng bansang ito."

Nilinaw rin niya na wala raw siyang intensyong masama sa kanyang ipinost dahil opinyon lang naman niya ito.

Sabi niya, “I have nothing against Mr. Duterte I am sure he is a great leader.

“And yes I saw the whole video.”

Binanggit na rin ni Regine ang dahilan kung bakit hindi niya nagustuhan ang biro ni Duterte.

“Again para sa isang babae na tulad ko na may nanay   mga kapatid na babae hindi dapat gawing biro ang rape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And yes that includes comedians or tv shows na akala nila nakakatawa gawing joke ang rape.

“If you think in your heart that what I posted was wrong go ahead and unfollow me. God bless po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN