Eric Quizon posts meaningful message for the country's future leaders

Actor-turned-director Eric Quizon posts a timely reminder on Instagram for all aspiring political candidates: "To all our wanna be leaders, be responsible, be knowledgeable, be inspiring, be compassionate, be selfless, be nurturing, be an example, be of service to the the Filipino people, and most of all be God-fearing."


Isang makabuluhang mensahe ang ibinahagi ng actor-turned-director na si Eric Quizon sa kanyang Instagram para sa mga susunod na mamumuno ng bansa.

Kahapon, Abril 22, nag-post si Eric ng larawan ng kanyang amang si Dolphy, ang beteranong komedyante na ginawaran ng karangalan at titulong National Artist dahil sa natatanging kontribusyon nito sa sining sa Pilipinas.

Kasama ng larawan ay ang mga katagang isinagot ng King of Comedy noong tinanong siya kung gusto niya bang pasukin ang pulitika.

Lahad nito, “KUNG AKO AY PAPASOK SA PULITIKA ISA LANG ANG IKINATATAKOT KO, ITO AY KAPAG MANALO DAHIL KAPAG NANDUN NA AKO….BAKA MAPAHIYA LANG AKO KASI HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO, AT SAYANG LANG ANG PAGBOTO NG MGA TAO SA AKIN.”

Sa caption naman ay nagbigay ng paalala si Eric mula sa mga natutunan niya sa kanyang ama.

“To all our wanna be leaders, be responsible, be knowledgeable, be inspiring, be compassionate, be selfless, be nurturing, be an example, be of service to the the Filipino people, and most of all be God-fearing.

“I will always remember this quote from my Dad who was asked to run for public office.

“He has set a good example and he will always be remembered for this. #philippines #politics #dolphy #goodgovernance”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN