Nadine Lustre admits closeness to James Reid's mom

Nadine Lustre recalls her phone conversation with James Reid's mom on the night when James went public about their relationship, "After the concert, after the announcement, she called James. I got to talk to her too. She said congratulations and all that. 'Take care of him. Tell him not to be bad.' Gano'n."


Inamin ni Nadine Lustre na malapit siya sa ina ng nobyong si James Reid bago pa man sila naging opisyal na magkarelasyon.

Pahayag ni Nadine, “Well yeah, kasi she would go sa mga mall shows namin.

“Pero hindi masyadong madalas. Bilang lang.”

Kaugnay ito ng JaDine Flying High On Love TV special na ipinalabas ngayong Linggo, April 23.

Matatandaang dumalo ang ina ni James, si Maria Aprilyn Marwuinez o Mommy Ella, sa isinagawang Jadine concert sa London noong Marso.

Dito ay makikitang naging emosyunal si Mommy Ella nang sa wakas ay magkita sila ni James pagkatapos nilang mawalay sa isa't isa ng halos isang taon.

Kasalukuyan umanong nasa Scotland si Mommy Ella kasama ng bago nitong napangasawa.

MOMMY ELLA'S PHONE CALL. Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Nadine, nakausap daw niya si Mommy Ella noong gabing ideklara ni James sa publiko ang kanilang relasyon.

“After the concert [last February 21], after the announcement, she called James. I got to talk to her too.

“She said congratulations and all that. 'Take care of him. Tell him not to be bad.' Gano'n,” nakangiting pagbabalik-tanaw ni Nadine.

Sa hiwalay na panayam kay Mommy Ella, nabanggit nito na matagal na rin niyang kilala si Nadine at ang pamilya ng dalaga.

Paglalarawan pa ni Mommy Ella kay Nadine, “She's nice, mabait siya.

“I've met her family na. Mabait naman yung family niya.

“Ang wish ko lang sa kanila sana mag-improve pa lalo yung career nila.

“Be good guys. Be good, James. Be good, Nadine.”

JAMES'S LOVE FOR HIS MOM. Sa parte naman ni James, buong-pagmamalaking sinabi ng binata na namana niya kay Mommy Ella ang talento sa pagkanta at pagsayaw.

“She's very emotional when I called out her name.

“I told everyone that my talent came from my mother's side.

“She was an amazing singer, she was an amazing dancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I think that's where I got my athletic ability.”

Excited na rin umano si James na makapiling muli ang ina pagbalik nito ng Pilipinas.

Sabi ni James patungkol kay Mommy Ella, “First of all, thank you for coming all the way to London to catch my show. You didn't get to catch it in Manila.

“I wish you happiness, because she recently remarried. So, I hope you enjoy in Scotland.

“Everyone misses you back home... And when you get back, I'll go down to Cavite and we'll have some family time together.

“I love you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN