Janine Gutierrez enjoys bonding with Aljur Abrenica: ''Masaya akong katrabaho siya."

Janine Gutierrez finds a kindred spirit in her Once Again co-star Aljur Abrenica: "Kahit ako, nagulat na marami pala kaming puwedeng pag-usapan. Marami pala kaming similarities."

 


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida na sa primetime ng GMA-7 si Janine Gutierrez.

Naikot niya ang afternoon hanggang sa morning serye pero sa Once Again, primetime na nga siya inilagay ng Kapuso network.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Janine sa presscon ng Once Again sa 17th Floor ng GMA-7 noong April 21, inamin niyang may pressure siyang nararamdaman.

“Opo, may pressure po talaga.

“Kasi, ngayon lang talaga ako nabigyan ng kuwento na talagang drama.

“Tapos, yung mga artistang kasama ko, talagang bigatin.

“Mga Ms. Jean Garcia na ang huling palabas halos umabot ng dalawang taon, pati si Thea Tolentino.

“Iba rin po talaga ang pressure ng Once Again para sa akin.

“Siguro pini-pressure ko rin ang sarili ko na kailangan maganda ang pagkakagawa, kasi bigay nga ng GMA.

“At saka maganda talaga ang kuwento, e.”

Bilang artista, alam daw niya na kailangang palagi siyang handa at maibigay ang best niya.

“Siyempre, bilang pinapahalagahan mo ang trabaho mo.

“At saka, pangarap ko ‘to, e—magbida sa primetime at mabigyan ng kuwentong drama.

“Sinusubukan ko po talagang gawin ang best ko.”

Masasabi ba niyang nakakadagdag sa pressure ang pagiging miyembro niya ng pamosong showbiz clan?

Sagot niya, “Actually dati, noong nagsisimula pa lang akong mag-artista, ang palagi kong sagot, hindi po, wala pong pressure.

“Siyempre, supportive po ang pamilya ko.

“Pero kahit na supportive sila, nakaka-pressure rin pala kung aaminin mo sa sarili mo, di ba?

“Kasi si Mama, nanalo na naman ng Best Actress, I’m so proud of her. Tapos, yun na nga, nakaka-pressure.

“Pero sa tingin ko naman, kahit na hindi ka galing sa pamilya ng mga artista, kapag binigyan ka ng magandang kuwento at talagang binigyan ka ng show, mapi-pressure ka rin sa sarili mo na patunayan na karapat-dapat ka sa posisyong yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FASHION ICON. May sariling titulo na rin si Janine ngayon.

Dahil sa kanyang ganda at kahanga-hangang fashion style, binansagan siyang fashion muse.

Sabi nga namin kay Janine, pang-international nga ang ganda at dating niya sa mga cover shoot niya sa magazine.

Sabi naman ni Janine, “Ay ako, sobrang nae-enjoy ko yung mga ginagawa kong shoot sa magazine.

“Sobrang kumportable ko, sobrang maagan yung ginagawa ko.

“It’s something that I really enjoyed and tingin ko, doon ko nahanap yung mga bagay na gusto ko na meron ako na ako lang.

“Yung hindi ako maku-compare sa pamilya ko.”

Mula sa pagiging fashion muse, gusto rin kaya niyang magkaroon ng title bilang isang aktres naman?

“Opo, pangarap ko rin po talagang mapatunayan ang sarili ko bilang isang artista.

“Kasi, yun ang mahirap sa akin, ang acting. Lalo na kung drama.

“Siyempre, mag-a-adjust ka sa mga bagong kuwento, bagong kaeksena.

“Pero luckily, lahat po ng nakakatrabaho ko, very maalaga.”

WORKING WITH ALJUR. Positibo ang mga pahayag ni Janine tungkol sa leading man niyang si Aljur Abrenica na itinuturing na “second coming” niya ang pagkakaroon muli ng primetime series sa GMA-7.

Ayon kay Janine, “Masaya ako, masaya akong katrabaho siya.

“Kahit ako, nagulat na marami pala kaming puwedeng pag-usapan.

“Marami pala kaming similarities.

“Kasi noong Dangwa, parang hindi kami masyadong nakakapag-usap.

“Tulad noong isang araw, tine-text siya ng kapatid niya, tine-text siya at ipinapakita yung damit kung okey lang ba.

“E, ganun din yung mga kapatid ko, parang hiraman kami nila Max. Tapos, mahilig din siya sa aso.

“At saka, ang kulit-kulit niya, hindi ko alam na yun na nga.”

Maganda ang taping location ng Once Again. Ayon kay Janine, sa Taal Volcano pala sila nag-shoot.

“Sa crater siya ng Taal Volcano, umakyat kami,” nakangiti niyang sabi.

ON BF ELMO. Pareho silang busy ng boyfriend niyang si Elmo Magalona, na kakalipat lang sa kabilang network kamakailan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang relasyon nila ngayong pareho silang busy sa kani-kanilang mga showbiz careers?

“Wala, excited lang talaga ako rito ngayon, kasi not expected.

“Katatapos lang halos ng Dangwa tapos ‘eto na naman, another story, kaya excited po ako.”

Natawa si Janine nang tanungin namin siya kung paano siya sinusuportahan ni Elmo.

Dahil dito, nakaramdam kaming tila ayaw muna niyang pag-usapan ang kanyang boyfriend.

Natatawa niyang sabi, “Hindi po.

“Siyempre, gusto kong pag-usapan ang Once Again.

Dugtong din niya, “Ako, I’m really happy right now, parang everything, lahat sa buhay ko, natutupad ang pinagdasal ko simula pa lang ng taon.

“At first time na ako, si Mama, si Papa, sabay-sabay na nagte-taping. So masaya ko na busy kaming lahat.”

INTIMATE SCENES. Sa trailer pa lang ng Once Again, ipinapakita na may kissing scenes sila ni Aljur.

“Sa pilot pa lang po,” nakangiting sabi naman ni Janine.

Kumusta naman ang kissing scene nila?

Aniya, “Very gentleman naman talaga si Aljur, kaya hindi ako masyadong nag-alala.”

Hindi ba nagseselos si Elmo sa mga ganung eksena?

“Ah, siyempre wala,” natawang sabi niya.

“Trabaho ‘yan, e.”

Bilang magkarelasyon, may mga limitasyon ba sila sa mga eksenang tulad ng kissing scenes at love scenes?

“Wala naman,” saad niya.

Kailangan pa niyang magpaalam?

“Well, I think bilang love story, talagang hindi mo maiiwasan na minsan may kissing scene.

“So talagang tina-try ko lang na gawin yung best ko. Parang understood na naman po.”

Nag-taping din si Elmo kasama naman si Janella Salvador sa Japan.

Kumusta siya noong mga panahong yun?

“Siyempre, we’re both professional, at saka pangarap namin pareho ‘to.”

DID ELMO ASK JANELLA? Matipid sumagot si Janine tungkol kay Elmo at sa relasyon nila.

Mahirap bang i-maintain ang kanilang relasyon dahil magkahiwalay na sila ng network?

“Hindi naman,” sagot niya.

Naitanong din kay Janine kung alam niya na nagtanong daw si Elmo kay Janella kung puwede itong ligawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo,” nakangiting sabi na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN