Lian Paz and partner John Cabahug welcome Baby Niña Angela to Christian world

Lian Paz and current partner John Cabahug, who are now residing in Cebu, welcomed Baby Niña Angela to the Christian world yesterday, Saturday, April 23, in formal baptism rites held at the St. Therese Archdiocesan Parish Church in Cebu City.


Bininyagan kahapon, April 23, sa St. Therese Archdiocesan Parish Church, Cebu City ang ikatlong anak ng dating EB Babes dancer at aktres na si Lian Paz.

Tatlong buwan si Niña Angela, ang ikatlong anak na babae ni Lian sa partner niya ngayon na si John Cabahug.

May dalawang babaeng anak si Lian sa dating asawang si Paolo Contis: sina Xonia (6) at Xalene (5), na kasama ni Lian na naninirahan ngayon sa Cebu.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lian na sa Cebu na siya nanirahan simula pa noong October 2014, at doon na siya nag-aral at nagtapos ng kanyang kurso sa Culinary Arts.

December ng 2014 nang isama niya ang dalawang anak at masaya si Lian dahil mismong ang partner niya ngayon na si John ang umako sa mga anak at masasabing isang masayang pamilya sila.

Kasama rin nila ang unang anak ni John, na 10 years old na, at siyang tumatayong “ate” ng dalawang anak ni Lian.

Labing-apat ang napiling mga ninong at ninang nina Lian at John para sa binyag ni Niña Angela.

Hindi nga lang nakarating sina Mae dela Cerna ng Mocha Girls, ang dati ring EB Babes na si Ann Boleche, at si Yayamot na napapanood ngayon sa kalyeserye dahil may mga natanguan na raw na commitment.

CLOSE FRIENDS AND FAMILY. Pinili raw ni Lian ngayon yung talagang mga malapit na kaibigan at pamilya nila.

Dumating naman ang halos buong pamilya ni Lian mula sa Manila kabilang ang kanyang lola, mga magulang at kapatid.

Gayundin ang pamilya ni John na mga tubong-Cebu talaga.

Galing si John sa pamilya ng mga negosyante. Sila ang may-ari ng Skinmate at si John naman ngayon ang nagtayo ng VGood Malunggay Juice.

Isa siya sa mga basketball players ng University of Visayas at naglaro rin sa Manila.

Ngayon ay nagtatag na si John ng sarili niyang basketball team sa Cebu at sumusuporta sa ilang batang Cebuano na makapag-train sa mga eskuwelahan sa Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiyuhin ni John ang former PBA. player na si Elmer Cabahug.

MALUNGGAY BABY. Tatlong buwan pa lang mula noong manganak si Lian noong January 10 pero halos payat na itong muli.

Ipinagmamalaki niya ang wala pa halos isang taong negosyo ng kanyang partner, ang VGood Malunggay juice kunsaan, VGood baby raw sila ng anak.

Kuwento naman ni John, “Nagulat yung mga doctors kay Lian.

“Kasi caesarean siya, pero two days lang siya sa hospital, discharged na agad siya.

“After a day sa bahay, nakapunta na ng mall. Nalaman nila na malunggay babies pati si Niña.

“Ang nangyari after, pati yung mga doctors sa hospital, nagsi-order na kasi, nakita nga raw nila yung magandang result.

“Napaka-healthy rin ni baby Niña.”

Ayon kay Lian, “Full-breastfeeding ako sa kanya kaya nakita ko yung good benefits talaga.”

Sa ngayon, hands-on mommy si Lian sa mga anak.

Sabi nga niya, “Sobrang blessed at nagpapasalamat ako kay Lord. Simple lang yung buhay namin dito pero masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN