Emilio Garcia not interested in giving politics another shot: "Pagka kinain na ng sistema, nagbabago na."

Emilio Garcia explains why he doesn't want to give politics another try after losing in his bid as councilor for Laguna's 1st district in 2013: "Kasi pag masyado kang kinain ng sistema ng politics, mauuwi ka rin sa hindi maganda, sa tingin ko. So kailangan mo pa rin talagang ibalik kung ano yung una mo nung tumakbo ka, which is lahat naman ng unang tumakbo sa politics maganda ang gustong gawin, e."

 


Tumakbo bilang Board Member ng 1st District ng Laguna si Emilio Garcia noong 2013 ngunit hindi siya pinalad.

Bakit hindi niya naisipang tumakbong muli ngayong 2016 elections?

“Medyo nakita ko na yung hinahanap ko siguro.

“Nakita ko na yung hinahanap ko sa buhay.

“Kumbaga, hinahanap mo kung ano yung gusto mong gawin sa buhay.

“Medyo kasi nung sa politics nun, dahil nayaya lang naman ako nun, tapos nakita kong parang hindi ko gusto yung sistema, so nag-decide na ako na huwag na.

“So ang ginawa ko, nag-negosyo ako ng iba. So nung nagnenegosyo ako, masaya na ako,” kuwento niya.

Ano ang negosyo niya ngayon?

“Wala lang, real estate, konti,” at tumawa si Emilio.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Emilio nitong nakaraang Huwebes, April 21 sa GMA Network Center sa presscon ng Once Again, ang bagong soap opera na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica.

Noong tumakbo ba siya sa Laguna ay nasa partido siya ng kapwa niya aktor na naging Laguna Governor na si ER Ejercito?

“Hindi, hindi po, Independent,” pagklaro niya.

Pero kaibigan niya si ER?

Sagot niya, “Oo, taga-showbiz naman yan, e.”

Si ER ba ang iboboto niyang Governor? Taga-Laguna si Emilio.

“Ngayon? Baka mag-ER pa rin ako,” amin niya.

Sino naman ang iboboto niyang Presidente?

Aniya, “Ako? Actually, didiretso pa rin ako kay… sa continuity ng Daang Matuwid.

“Kasi iba yung project na naiwan na itutuloy ng kakampi mo, e.

“Ang ibig kong sabihin yung continuity ng trabaho kasi importante sa akin yun, e.”

DISAPPOINTMENTS. Isinasarado na ba niya ang pintuan niya sa pulitika; hindi na siya talaga tatakbo?

“Baka hindi na talaga. Ngayon nagdedesisyon na ako, baka hindi na,” ulit pa niya.

Ano ang nakita niyang ikina-ayaw niya?

Paliwanag ni Emilio, “Gusto mo mang magsilbi ng tama sana at nang diretso, pero ang sistema talaga bulok!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sistema talaga ang bulok natin dito, ako sinasabi ko yun.”

“Lahat naman ng papasok yata magiging ganun kasi ang sistema hindi nababago, e.”

Hindi niya choice ang anak ni Fernando Poe, Jr.?

Pag-aanalisa niya, “Okay din sa akin si Grace Poe.

“Ang sinasabi ko naman, wala pa talaga akong desisyon, pinagpipilian ko either si Mar [Roxas] o si Poe.

“Pero kasi kahit magpalit tayo ng magpalit ng Presidente pag ang sistema hindi natin pinalitan wala namang pagbabago.”

Sino ang dapat magpalit?

“Ang tao mismo talaga, hindi ang Presidente. Ang mismong tao ang nasa sistema,” giit pa ni Emilio.

Ano ang masasabi niya sa mga kapwa niya artista na pumapasok sa pulitika?

“Alalay lang! Kasi talagang may kakaiba talaga ang politics, e.”

Paanong alalay yung tinutukoy niya.

“Kasi pag masyado kang kinain ng sistema ng politics, mauuwi ka rin sa hindi maganda, sa tingin ko.

"So kailangan mo pa rin talagang ibalik kung ano yung una mo nung tumakbo ka, which is lahat naman ng unang tumakbo sa politics maganda ang gustong gawin, e.

“Pagka kinain na ng sistema, nagbabago na. Di ba?

“So sayang, sayang.”

ROLE. Sa Once Again, ang papel ni Emilio ay bilang si Tony.

“Ako yung tatay ni Aljur sa bagong henerasyon, mabait ako dito,” lahad niya.

Tungkol sa reincarnation ang kuwento ng Once Again.

Ipaalabas sa GMA sa May 2, gaganap si Aljur sa Once Again bilang si Edgar del Mundo/Aldrin Sanchez at gaganap namang female lead si Janine bilang si Reign Soriano/Des Javier.

Nasa Once Again din sina Jean Garcia as Madel Mateo; Sheryl Cruz as Agnes Carbonnel; Chanda Romero as Carmen Mateo; Joko Diaz as Lukas Carbonnel; Timmy Cruz as Nancy Sanchez; Thea Tolentino as Celeste Lacson at Jeric Gonzales as JV Sanchez.

May special roles dito sina Christopher de Leon as Ricardo Soriano; Bembol Roco as Romulo del Mundo; Irma Adlawan as Cecilia del Mundo; Sharmaine Arnaiz as Violeta Soriano at Phytos Ramirez as the young Lukas Carbonnel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Once Again ay sa direksyon ni Don Michael Perez.

Bago ang Once Again ay lumabas si Emilio sa Beautiful Strangers sa GMA din.

Kumusta katrabaho sina Aljur at Janine?

“Si Aljur kasi ilang beses ko nang nakatrabaho, e.

“Hindi ito yung first time namin. Nagkatrabaho na kami. Ako din yung tatay niya.

“Okay, wala kaming problema ni Aljur. Para lang kaming magkabarkada.

“Si Janine ngayon ko pa lang siya makakatrabaho.”

MISSING KONTRABIDA ROLES. Ano ang mas gusto ni Emilio; mabait na papel o kontrabida role?

Mabilis niyang pag-amin, “Nami-miss ko na yung salbahe!”

Mabait ang papel niya sa magkasunod na shows niya sa GMA: sa Ang Lihim Ni Annasandra at Beautiful Strangers.

Ayaw na niya ng role na mabait?

“Dun na ako nahihirapan talaga,” at tumawa si Emilio.

Nais ba niya na sa susunod niyang TV project ay salbahe naman siya?

“E, kasi iyon ang nasimulan ko sa mga teleserye dati, e.

“Nagsisismula ako, masasama ang papel ko, di ba?

“Dun ko na-pick up talaga yung mga anong audience, e.

“Nagtataka nga ang marami bakit lagi daw mabait ang role ko,” at muling tumawa ang aktor.

“Sabi ko, 'Bakit, ayaw nyo akong maging mabait?’

“Ayaw nila.”

Tatlo ang anak ni Emilio, isang nineteen, isang fourteen at isang eight years old.

KIDS NOT INTERESTED IN JOINING SHOWBIZ. Walang mag-aartista sa mga ito?

Ani Emilio, “Bawal e, sa school nila!”

Ang anak niyang panganay na si Gaby ay nag-aartista na sana noon pero huminto.

“Sa school, bawal, e. Siya mismo nagsabi na, ‘Mag-aaral ako dad, ayoko munang mag-artista!’

“Sa St. Paul. Okay na yun, mas maganda na dun ang focus niya,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN